Chapter 33: Rainy Day

93 2 0
                                    

Chapter 33

*Rainy Day*

 

[Anastacia’s POV]

“bakit hindi ka pa nakaayos? Anong oras na.”

 

Parang ayokong pumasok sa iskwelahan ngayon. Natatakot ako. Baka hindi na ako pansinin ni Vincent. Baka hindi na niya ako mahal. Baka kinamumuhian na niya ako. Baka naniniwala na siya kay Rengie na isa nga akong bampira. Hindi… Hindi maaari… Ayokong pumasok ngayon.

“Huy! May problema ba?”

“a-ah! wa-wala...”

 

Mabuti nalang at hindi nababasa ni Drex ang iniisip ko. Kung hindi baka puntahan niya si Vincent at baka patayin niya to. Pero hindi pa naman niya alam na isang Vampire Hunter si Vincent.

Pero para matahimik na ako, para masagot na ang mga katanungan ko, kailangan kong pumasok. Papakiramdaman ko nalang siya kung may nagbago sa kanya. At kung sakaling may mangyari nga, nandyan naman si Drex para ipagtanggol ako. Pero hindi niya pwedeng saktan si Vincent.

“papasok na ako. Maliligo lang ako saglit.”

 

Pumasok na ako sa cr at binuksan ang shower. Hinayaan ko lang umagos ang tubig sa katawan ko habang iniisip ang mga posibilidad na mangyari kapag nagkita kami. Sana hindi pa dito magtapos ang relasyon namin. Ayoko pa…

Bumalik ako sa katinuan ng marinig ko ang mga sunod sunod na katok sa pinto.

“Quarter to 8 na! 30 minutes ka ng nandiyan! Kanina pa ako kumakatok! Ayos ka lang ba?”

“N-nagbibihis na ako! Lalabas na rin ako.”

 

Hay nako! Ano bang nangyayari sa akin! Nawawala ako sa sarili ko! Parang humihiwalay sa katawan ko yung kaluluwa ko. Kung anu anong naiisip ko!

Umalis na kami pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko at nagpaiwan na ako sa Convenience Store.

“bakit hindi sa school? Papasok ka ba talaga?”

“oo nga! Bibili lang ako ng Lollipop! Sige na! Umalis ka na!”

“hay… ok. pero siguraduhin mong papasok ka sa school, maliwanag?”

“oo nga. Kulit!”

“ok. Bye.”

 

Kumaway lang ako habang paalis na siya at hanggang sa hindi ko na siya makita. Ngayong nag iisa na ako ngayon, ano ng gagawin ko? Magpapakita ba ako sa kanya?

Bumuntong hininga nalang ako at pumasok sa Convenience Store ng bumukas ang pinto. Nabunggo ko pa yung lalaking nagbukas nun.

“s-sorry…”

 

I love my Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon