Chapter 28: Double Date

110 3 0
                                    

Chapter 28

*Double Date*

 

[Percy’s POV]

“ano na daw balita Gian? Nagawa niya ba? Ah? ah?”

“ewan ko dun! Hindi naman siya nagtetext eh!”

“itanong mo kasi kaysa sa naghihintay ka ng text dyan!”

“eh bakit ba ako ang gagawa? Edi ikaw nalang ang magtext!”

“eh ayoko nga! Hiya ako eh.”

 

Sana talaga nagawa ni Vincent! Ajujuju… Sana talaga tuluyan na siyang kinalimutan ng girlfriend niya at ng maging single na si Vincent. Whaaaaa! Ang sama sama ko pero yun lang ang tanging paraan para maging kami! Ajujuju… (ToT)

Well, siguro naman alam niyo na may gusto ako kay Vincent di ba? Na love at first sight ako sa kanya noon simula ng sundan ko siya ng malaman naming isa siyang Vampire Hunter. Ang cute kasi niya eh. Tsaka gusto ko yung attitude niya. Yung tipong mukhang mahina pero may ibubuga sa pakikipaglaban. Kaya nag volunteer ako na ako nalang ang magmamasid sa kanya. Whaaaaa! Kinikilig tuloy ako! Whahaha!

Hindi pa sila ng girlfriend niya simula ng magmasid ako sa kanya. Gusto ko ngang panain yung babaeng yun kapag nilalandi niya si Vincent. Si Vincent naman, mukhang ayaw niya dun sa babae dahil umiiwas siya. Grabe natutuwa ako sa kanya kapag ginagawa niya yun. Pero isang araw, bigla nalang sila naging sweet sa isat isa. Hindi ko alam kung bakit. Siguro ginayuma ng babaeng yun si Vincent? Ang sama niya! Ang landi landi niya! Kala mo mauubusan ng lalaki! Argh! Ay teka? Paano ba napasok sa utak ko yang babaeng yan? Naiirita ako sa kanya! Grrrrr…

*ANG MAHIWAGANG MENSAHE! TEW TEW TEW*

“Whaaaaa Gian! Nag text na siya! Basahin mo nga? Dali! Bilisan mo!”

“hindi sa akin yun! Hindi ganun yung message tone ko no. Ang panget!”

“eh kanino yun?”

 

Napatingin ako kila Suzy at Kiel na sobrang busy sa pagbabasa ng magazine habang umiinom ng tsaa at mukhang hindi sa kanila ang ringtone na yun. Huwag mo sabihing…

“Nagtext si Vincent.” – Rengie

“ah? Sayo nagtext? Kailan pa kayo naging close?”

“2nd week of this month.”

 

Grabe naman! Close na agad sila? Eh kami nga hindi pa eh. Hindi nga rin kami textmate eh! Nakakainggit naman sina Gian at Rengie. Ajujuju… Kung malakas lang sana ang loob ko katulad ni Suzy baka close friend ko narin siya. O more than? Whahaha!

“ano sabi?” – Gian

“Ginamit niya ang Neuralizer at gumana…”

 

Gumana… yung… Neuralizer?! WHAAAAAAAAAA! SINGLE NA ULIT SI VINCENT! YAHOO!

I love my Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon