Chapter 26: Sticky Notes

123 2 0
                                    

Authors Note: Another emergency update. Napa aga yung update ko. Ang hirap kasi ng assignment ko na mukhang matatapos ko ng 2 days kaya gumawa na agad ako ng update. 

Enjoy your reading! (^.^)

************************************************************************************************************

Chapter 26

*Sticky Notes*

 

[Anastacia’s POV]

“sige na, bumalik ka na sa mansion. Mabobored ka lang dyan kakahintay.”

“pero ang sabi sa akin ni Maestro-”

“walang mangyayari sa akin Drex, ok? It’s just an ordinary day!”

“o…k…”

“alam ko namang darating ka rin agad kapag may nangyaring masama sa akin di ba? Sige na papasok na ako.”

 

Pumasok na ako sa gate at diri-deretso lang papunta sa room ko. Kinakabahan ako na naeexcite. Makikita ko narin si Vincent. Yung ngiti niya, yung kamay niya, yung yakap niya, yung halik niya. Lahat. Nasasabik na akong makita siya ulit.

Wala namang nagbago dito sa school. Ganun parin. Mga pangkaraniwang tao na pumapasok at lumalabas dito sa school. Nakita ko rin si Doc. Richard kausap ang isang nurse. Kumaway lang siya sa akin at nginitian ko siya. Pumasok na ako sa building ng High school at sa room namin.

“ok class, stand up and let us pray- o Anastacia, mabuti at nakapasok ka na.”

“yes ma’am. Good morning po. Ito po yung excuse letter ko for 1 week.”

 

Ibinigay ko sa kanya ang excuse letter ko para ibigay sa adviser ko mamaya. Ang nakalagay sa letter ay nagkaroon ako ng chicken pox. Hehehe… kaso wala akong peklat sa balat kaya baka hindi maniwala si Ma’am, pero pinirmahan naman niya.

Ibinalik na niya sa akin ang sulat at pumunta na ako sa table ko. Nakayuko ako habang papalapit sa upuan ko. Pero pag angat ng ulo ko ay wala akong nakita na nagngangalang Vincent na nakaupo sa tabi ng table ko.

Bakit wala siya?

“something wrong Ms. Vladimir?”

“n-nothing ma’am.”

 

Nagdasal na ang buong klase at sinimulan na ang discussion. Pero wala paring pumapasok na Vincent sa front door. Baka inutusan siya? Pero wala yung bag niya dito. Baka absent nga siya. Nakakalungkot naman.

“pwede bang pahiram ng notes mo? Kokopyahin ko lang. Wala kasi akong marereview pagdating ng exam.”

“ok sige. 1 week ka palang absent no.”

“ibabalik ko nalang ‘to after ng lunch break. Sige salamat.”

I love my Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon