Chapter 29: Unexpected

107 2 0
                                    

Chapter 29

*Unexpected*

[Anastacia's POV]

"bye sweetie. See you tomorrow. Ingat sa pag uwi."

"Ok. Lock the door. I love you."

"I love you too."

At hinalikan niya ako sa noo bago siya umalis. Pinatay ko na ang TV sa sala at humiga sa kama. Muling sumariwa sa alaala ko ang mga oras na magkasama kami. Habang tumatagal, lalo kaming nafafall sa isat isa. Yung tipong hindi namin kayang mabuhay ng wala ang isat isa.

About pala doon sa surprise niya, naaalala ko lahat lahat. Simula ng sunduin ako ng Limo hanggang sa gamitan niya ako ng bagay na iyon. Ang Neuralizer. Naikwento na sa akin ni Maestro ang tungkol sa bagay na yun. Ginagamit daw iyon para mawala ng tuluyan ang alaala ng isang tao. At sa mga bampira, hindi ito tumatalab.

Sa totoo lang hindi ko naman talaga siya nakalimutan ng ginamitan niya ako nun. Binasa ko ang laman ng isipan niya ng gamitan niya ako nun. Nabasa ko na nagsisisi siya na ginawa niya ang bagay na iyon. Nabasa ko na mahal na mahal niya parin ako kahit malilimutan ko na siya. Kaya... nasabi ko na kapangalan niya ang boyfriend ko para muli kaming magkabalikan at ipahiwatig na hindi ko siya nalimutan ng lubos.

"kailangan mo ng umuwi sa bahay."

"Drex? Kanina ka pa dyan?"

"medyo..."

"nakita mo kami?"

"hindi ako bulag."

Nakaupo siya sa bintana ng condo ko. Hindi ko namalayan ang presensya niya na dumating pala siya dito.

"masama ang kutob ko kay Vincent."

Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi niya. Alam na kaya niya?

"b-bakit mo naman nasabi?"

"pakiramdam ko may itinatago siya sayo."

"sus! Guni guni mo lang yan!"

Tumalikod ako sa kanya para hindi niya makita ang mukha ko. Ginulo gulo ko din ang isipan para hindi niya mabasa ang mga iniisip ko.

"bakit ba hindi ko mabasa ang mga iniisip mo?"

"h-hindi mo mabasa ang mga iniisip ko? Bakit?"

"hindi ko alam kung ano ang dahilan..."

Tapos huminga siya ng malalim habang nakatingin sa akin ng walang emosyon. Mabuti nalang kung ganun. Lumapit siya sa akin at iniabot ang isang blood bag mula sa bag niya.

"alam kong gutom ka na."

"handa ka ah."

Kinuha ko ang blood bag pero tinitigan ko lang ito.

I love my Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon