Chapter 27: Second Chance

125 3 0
                                    

Chapter 27

*Second Chance*

 

[Vincent’s POV]

Ang saya saya ng araw na ito! Ilang araw ko din siyang hindi nakita. Namiss ko yung halik na yun. Pati yung yakap na mahigpit. Lahat. Ang saya ko talaga.

“Kamusta ka na Tacia? Mabuti at nakapasok ka na.”

“nakapasok na nga ako, wala ka naman. Akala ko talaga hindi tayo mag kikita ngayon. Nakakainis ka!”

“pasensya na ah. Inayos ko pa kasi tong sorpresa para sayo.”

“haha. Grabe, ngayon lang kita narinig na kumanta ah.”

“ilang araw kong prinaktis un. Hehe. Tara kumain na tayo at baka nagugutom ka na.”

 

Hinila ko ang upuan para sa kanya at umupo siya. Umupo rin ako sa harap niya at nag handa ang waiter ng steak para sa amin. Tumingin siya sa akin at itinuro ang pagkain na nasa harap niya.

“a-ano to?”

“steak. Hindi ka pa ba nakakakain ng ganyan?”

“ah. ano…”

“may problema ba?”

“w-wala naman. Tara kumain na tayo.”

 

Napansin ko na maliliit na slice lang ang kinakain niya at dinadahan dahan niya ang pag nguya. Malambot naman yung steak ah?

“masakit ba ang ngipin mo?”

 

Umiling lang siya. Oh well, baka busog siya.

Naubos ko na agad ang pagkain ko pero hindi niya parin nakakahalati ang steak niya. Pinagmasdan ko lang siya habang kumakain. Hindi narin ako mapakali at kinakabahan narin ako. Napansin niya ang malalalim kung buntong hininga.

“may problema ba Vince?”

“wala naman. Na excite lang ako ng masyado.”

 

Ngayong gabi kasi, kailangan ko na siyang pakawalan. Kailangan ko na siyang kalimutan. Dahil hindi talaga kami para sa isat isa. Ginawa ko ang sorpresa na ito, para ibuhos na lahat ng pagmamahal ko sa kanya. Dahil alam ko, kailanman ay hindi na muulit itong muli. Alam kong huli na ito.

“Huy! Ilang feet na yang iniisip mo? Ang lalim ah!”

“w-wala lang ‘to. Bakit hindi mo naubos yang pagkain mo?”

“busog pa kasi ako eh.”

“ganun ba. So, ano palang ginawa mo nung na grounded ka?”

 

Pagbibigay ko ng topic sa kanya. Nagkwentuhan kami ng kung anu ano dahil katatapos lang namin kumain. Sa mga kwento niya, lagi niya daw kasama si Drex.

I love my Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon