Chapter 39
*Letter for Her*
[Anastacia’s POV]
“Anastacia!”
“Vincent!”
Tumakbo ako papunta sa kinatatayuan ni Vincent at niyakap ko siya ng mahigpit. Naramdaman ko rin ang mainit niyang yakap at puno ng pagmamahal. Nasa isang lugar kami na hindi ko alam pero maaliwalas ang paligid at puno ng magagandang bulaklak. May mga paru paro rin ang nagsisiliparan na animo’y binabasbasan kami.
Napakasarap sa pakiramdam na kasama ko ang taong mahal ko sa ganitong lugar. Payapa at tahimik. Walang gulo at tanging kaming dalawa lamang.
“mahal na mahal kita Anastacia.”
“ganun din ako Vincent. Mangako ka sa akin,”
“anong pangako?”
“na hinding hindi mo ako iiwan.”
Ngumiti siya at isang halik sa noo ang natanggap ko.
“pangako. Hinding hindi kita iiwan kahit anong mangyari.”
Tinignan ko siya sa mga mata at napakaaliwalas ng kanyang mukha. Pumikit kaming dalawa at naglapat ang aming mga labi.
Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin. Ang pagmamahal na matagal ko ng hinihintay simula ng mawala sa akin ang lalaking una kong minahal. Pinuno ni Vincent ang puso kong nangungulila sa lungkot at nag uumapaw pa ito ngayon. Nagsasaya ang puso ko dahil dito pero kabaligtaran ng utak ko. Dahil hindi parin maalis sa isipan ko na ang isang katulad niya ang tatapos sa aming lahi.
Sa pagitan ng halik namin ay naimulat ko ang aking mata at napabitaw ako bigla. Napaatras ako ng mamukhaan ko ang lalaking nasa harapan ko.
“n-nasaan si Vincent?”
Ang nasabi ko na lamang dahil alam ko na siya kanina ang kasama ko at siya ang kahalikan ko. Ang kaninang puti at maaliwalas na paligid ay naging kulay pula. Ang madamong tinatapakan namin kanina, ngayon ay naglawa na dahil sa dugo. Pati ang mga nag gagandahang mga bulaklak kanina ay napalitan ng mga rosas na puno ng tinik sa tangkay at ang kaninang mga paru paro ay napalitan ng uwak.
“b-bakit ka nandito Patrick? A-anong kailangan mo?”
“Anastacia...”
Lumapit siya sa akin pero napaatras ako. Bakit hindi ako natutuwa na makita siya ngayon? Siya ang unang lalaki na minahal ko. Dapat ay tuwang tuwa ako ngayon dahil nasa harapan ko siya. Pero bakit baliktad ang ikinikilos ko?
“Anastacia, h-hindi mo na ba ako mahal?”
“P-Patrick, m-matagal ka ng patay... Bakit nagpakita ka pa?”
BINABASA MO ANG
I love my Vampire Hunter
Ma cà rồngSi Anastacia ay isang Bampira na namumuhay sa mundo ng mga tao. Sa pagsapit ng gabi ay pumapatay siya ng mga masasamang tao. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakilala niya si Vincent na isang Nerd na magiging klassmate niya pero ito pala ay isang...