Authors Note: Yahoo! Nakapag update din! sa wakas! nagamit ko rin ng matino yung laptop ko! Kanina lang kaya isang chapter lang tuloy yung nagawa ko. Pero dahil nagamit ko na, try ko ulit gumawa ng isa pang chapter tapos update ko ulit bukas. :) Ang saya saya! :D Tsaka hindi ko alam kung ano yung ilalagay na title dito kaya ayan nalang. hehe... I love you mga readers! Maraming salamat sa pag babasa ng story ko kahit matagal ako mag update. :3
Enjoy your reading! (^.^)
************************************************************************************************************
Chapter 15
*Surprise!*
[Anastacia’s POV]
“but im a vampire, the human and the vampire cant stay together. Its not natural.”
Paulit ulit ang salitang ‘to sa isipan ko kagaya ng sabi ni Nak sa napanuod namin. Parehas ang sitwasyon namin sa movie. Pero hindi ako patay, bampira ako no. Haist! Nakakaloka mag isip! Ayokong mahuli niya ako sa aktong nangangain ako ng tao. Gusto kong ako ang magsabi sa kanya. Pero paano?
Napakamot nalang ako ng ulo sabay higa sa couch.
“Shu! Shu! Kanina pa kayo dito ah! kapag nahuli ko kayo iihawin ko kayo!”
Napatingin ako kay Uncle na nambubugaw ng uwak sa bintana. Mga sampung piraso uwak ang nakadapo sa sanga ng puno na nakatingin sa loob ng bahay namin. Kailan pa nagkaroon ng uwak dito?
“saan galing yang mga yan?”
“ewan ko ba. Naaalibadbaran ako sa kanila. Bawat galaw ko nakatingin sila sa gagawin ko. Parang nagmamatyag ba.”
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at tumingin rin sa labas ng bintana. Nadagdagan ng anim na uwak at dumapo rin ito sa sanga. Ikinumpas ko ang kamay ko at sabay sabay silang tumingin doon. Maliban sa isa.
“tignan mo uncle, yung nasa gitna hindi niya tinitignan yung kamay ko.”
“oo nga no. Sayo nakatingin?”
Dumukot si Uncle sa bulsa niya at inihagis ito sa labas. Sabay sabay nagliparan ang mga uwak upang habulin ang inihagis niya.
“ano yun?”
“tinapay. Binigay sa akin ng pasyente ko.”
Matapos iyon ay napansin namin na hindi umalis ang isa at matamang nakatingin sa akin. Parang may pahiwatig ang titig niya.
“huy baka nag uusap na kayo sa mata?”
“hindi no. Pakiramdam ko hindi lang siya basta uwak.”
BINABASA MO ANG
I love my Vampire Hunter
VampireSi Anastacia ay isang Bampira na namumuhay sa mundo ng mga tao. Sa pagsapit ng gabi ay pumapatay siya ng mga masasamang tao. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakilala niya si Vincent na isang Nerd na magiging klassmate niya pero ito pala ay isang...