Chapter 22
*Hunting Time*
[Vincent’s POV]
“paano pala kayo nanghuhunting ng mga Perilous?”
“pumupunta kami sa madidilim tsaka walang katao tao na lugar. Doon kasi madalas magpakita O magtago ang mga Perilous at inaatake ang mga taong napapadaan lang. Kahit nga yung mga nakakotse pa eh hindi nakakaligtas.”
“talaga?”
Sabay kami ni Percy papunta sa lugar kung saan sila maghuhunting. 1am na pala. Kompleto na sila at kami nalang pala ang hinihintay. Mukhang nakakaexcite ‘to. Marami kami.
Napansin ko na halos si Kiel lang ang dumadaldal sa kanilang apat. Napansin ko rin na mukhang hindi nagtatalo ngayon si Gian at Suzy. Baka na awkward sila kanina? Samantalang si Rengie naman ay nagbabasa ng Wattpad sa cellphone niya.
“ano ready na bro?” – Gian
“first time kong may makakasama sa paghuhunting ngayon.”
“talaga? Magiging masaya ‘to!” – Kiel
Sabay sabay kaming naglakad patungo sa lugar kung saan hindi ka na daw makakalabas ng buhay. Sobrang dilim nga sa lugar na iyon at ang tataas ng talahib na animo’y may nagtatago doon. Pinakiramdaman ko ang paligid at may mga kumakaluskos sa likod ng mga talahib.
“game?” – Kiel
Sabay sabay silang tumango at nakisabay narin ako. Maya maya hinawakan ni Percy ang kamay ko.
“dito tayo.”
“ah? Saan?”
Nakita ko na tumalon sila Gian, Suzy at Rengie at nagtago sila sa sanga ng mga puno. Tumalon din kami ni Percy at nagtago kami sa sanga ng puno ng manga.
“himala.”
“bakit?”
“hindi magkasama ngayon si Gian at Suzy sa isang sanga. Ganun kasi sila dati.”
“talaga. Baka nahiya sila sa isat isa tungkol doon sa teddy bear?”
“sa tingin ko rin.”
“mabuti pala at hindi ka na awkward sa akin nung ibinigay ko yung Domo. Kapag nagkataon eh baka hindi mo narin ako pansinin. Ikaw lang naman ang close ko dito eh.”
Agad siyang umiwas ng tingin sa akin.
“baliw ka talaga.”
Maya maya ay nakita ko si Kiel mula sa ibaba. Inilapag niya ang isang mannequin sa sahig at pinatunog ng malakas ang kanyang cellphone.
“ARGWWWWW! ARGWWWWW! KROOOOO! KROOOOO! KROOOOO! ~ ”
Namangha ako dahil ganun pala sila magtawag ng mga Perilous.
“nirecord niyo yun para matawag sila?”
“oo. Dati kasi nag aabang lang kami. Eh paisa isa lang ang dating nila kaya nag iba kami ng strategy para madaling maubos ang mga Perilous.”
“ganun ba.”
Maya maya ay marami ng Perilous na nagsisiliparan sa himpapawid. Binuhusan ni Kiel ng dugo ang Mannequin at agad siyang nagtago sa sanga ng puno. Inilabas na ni Percy ang sandata niya at bigla nalang may lumabas na pana mula sa Bow niya. Siya nga yung Archer na tumulong sa akin noon.
BINABASA MO ANG
I love my Vampire Hunter
VampireSi Anastacia ay isang Bampira na namumuhay sa mundo ng mga tao. Sa pagsapit ng gabi ay pumapatay siya ng mga masasamang tao. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakilala niya si Vincent na isang Nerd na magiging klassmate niya pero ito pala ay isang...