Chapter 3
*Flashback Memories*
[Anastacia’s POV]
Magdamag akong nakahiga sa kama at maraming iniisip na kung ano anung mga bagay. Tinitigan ko ulit ang Lollipop na kinuha ko kay Vincent. Masarap kaya to? Kahit isang beses hindi pa ako nakatikim nito.
Sumasama kasi ang pakiramdam naming mga bampira kapag nakakakain kami ng mga pagkain ng tao. Hindi nakakatuwa sa panlasa namin. Nakakasuka talaga...
Tinanggal ko sa plastic ang Lollipop. Dinilaan ko muna.
“hmmm... ok lang. Wala namang kakaibang lasa.”
Sinubo ko ang Lollipop at medyo nakalasa ako ng matamis. Ganito ba talaga lasa nito? Masarap naman.
Pumikit muna ako at inisip muli ang mukha ni Vincent. Ngunit ang lumalabas na imahe sa isipan ko ay si Patrick. Si Patrick na pinakamamahal ko.
[Flashback]
“oi! Hintayin mo naman ako! Saglit lang! Tutulungan na kita!”
“huwag mo na nga ako sundan! Tsaka kaya ko to!”
“bakit? Anong masama? Buti nga kinakaibigan at tinutulungan pa kita eh.”
Huminto siya sa paglalakad at tinignan ako.
“pwede ba, layuan mo nga ako. Mapapahamak ka lang kapag naging kaibigan mo ako!”
“bakit? Pinoproblema mo ba yung mga nangbubully sayo? Natatakot ka na baka mapahamak ako?”
Natigilan siya sa sinabi ko. Hindi na niya nasagot ang tanong ko. Pagkaharap niya ay nabunggo niya si Jerry at saktong nahulog ang isang makapal na libro sa paa niya.
“ARAY KO! T@NG IN@ MO TALAGA PATRICK! BWISIT KA!”
Akmang susuntukin na ni Jerry si Patrick ng humarang ako sa harap niya.
“subukan mong ituloy yan. Tatawag ako ng guard.”
Umiling iling siya at tinignan niya ang mga barkada niya na nasa likod niya lang. Nagbulungan ang mga barkada niya habang tumatawa samantalang si Jerry naman ay ngumisi habang nakatingin sa akin at kay Jerry.
“pasalamat ka at pinigilan ako ni Anastacia. Kung hindi, durog yang mukha mo. Duwag. Hahaha!”
Binunggo pa ni Jerry ang balikat ni Patrick bago sila tuluyang nakaalis.

BINABASA MO ANG
I love my Vampire Hunter
VampireSi Anastacia ay isang Bampira na namumuhay sa mundo ng mga tao. Sa pagsapit ng gabi ay pumapatay siya ng mga masasamang tao. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakilala niya si Vincent na isang Nerd na magiging klassmate niya pero ito pala ay isang...