Chapter 34
*Butler’s Enemy*
[Drex’s POV]
“bakit hinayaan mo sila! Bakit hindi ka lumaban! Bakit?! Wala kang kwenta Drex!”
“dahil hindi ko alam na mangyayari yun!”
“paano na ako ngayon? Paano na tayo?! Hindi ka ba nag iisip? Makasarili ka!”
“can you please shut up Edward! Wala na tayong magagawa!”
“Pero… Fuck it! Damn!”
Bumuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa kanya. Kanina pa ako naaasar sa kanya. Ang OA niya. Hindi ko naman alam na mangyayari yun at hindi ko din alam na ayun ang pakay nila. Hindi siya nag sasabi sa akin tapos sisisihin ako nito? Dafvck!
“it’s not my fault okay? So please stop! Don’t be so stupid!”
“ikaw kasi eh! Hindi mo kasi inalagaan! Hindi mo binantayan! Ikaw dapat ang sisihin! Alam mo namang wala ako dito lagi di ba?!”
“oh Fvck! Damn it!”
Lumabas na ako sa kusina at naabutan ko siyang naka upo sa couch. Nagulat ako sa kanya dahil hindi ko inaasahan ang pagdating niya. Walang emosyon ang mukha niya habang nakatingin siya sa akin.
“anong kailangan mo, nagulat ako sayo.”
“talaga? Hindi halata sa itsura mo na nagulat ka.”
Nag cross arms siya at nag smirk. Niloloko niya ba ako?
“Anastacia! Pamangkin ko! Bakit! Whaaaaa! Wala na!”
“Shut up Edward! Hindi ka nakakatuwa!”
“bayaan mo nalang siya. Ginusto niyang magdrama diyan. Ikaw? Bakit mukha yatang hindi ka nag sisisi sa ginawa mo?”
“dahil hindi ko kasalanan yun ok? At ayokong magdrama katulad niya.”
“poor little girl. Tsk tsk tsk…”
Naglakad siya papuntang kusina para tignan si Edward. Mula sa kanyang bag ay nag hagis siya ng plastic bag na hindi ko alam kung ano ang nasa loob. Nanlaki ang mga mata ni Edward ng makita niya ang laman nun. Ano kaya yun?
“H-hindi… Anastacia!!!”
Grabe! Naiirita na ako sa tili niya! Parang babae!
“Blood bag! Salamat Tacia!”
“binalita sa akin ni Lee kung anong nangyari dito. Kaya bago ako umuwi eh kumuha muna ako niyan.”
Agad sinipsip ni Edward ang Blood bag na parang uhaw na uhaw siya. Pagkatapos ay tinignan ako ng masama ni Anastacia. Lagot ako sa amo ko…

BINABASA MO ANG
I love my Vampire Hunter
VampireSi Anastacia ay isang Bampira na namumuhay sa mundo ng mga tao. Sa pagsapit ng gabi ay pumapatay siya ng mga masasamang tao. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakilala niya si Vincent na isang Nerd na magiging klassmate niya pero ito pala ay isang...