@shashani: salamat sa vote. :)
Authors Note: 2 Chapters for tonight. :)
Enjoy your reading... :)
************************************************************************************************************
Chapter 8
*My new classmate*
[Vincent’s POV]
“Pakuha nga ako nung Projector sa Library para sa report ng mga klasmate mo.”
“sige po ma’am.”
“salamat.”
Pumunta ako sa Library para sundin ang utos ng teacher ko. Ako palang kasi ang tao sa room kaya ako ang nautusan. Nang makuha ko na ang Projector ay nakasalubong ko ang tatlong nang bully sa akin noon na kasalukuyang kong classmate ngayon. Umikot ako para iwasan sila pero mabilis nila akong hinabol.
“kamusta na bata!” – Steven
“ano duwag ka pa rin kaya iniiwasan mo kami?” – Luis
“oi tignan niyo mga bro! May bitbit siya!” - Jake
Bigla nilang kinuha ang Projector na hawak ko. Nag uumpisa na naman sila. (>_<)
“i-ibalik niyo yan!”
“mamaya na boy. Maglaro muna tayo!” – Steven
“anung gusto niyo? Hide and seek?” – Luis
“hindi pare! Mas maganda kung saluhan Projector! Hahaha!” – Jake
Inihagis nila sa ere ang Projector at sinasalo salo nila ito. Baka mabasag yun! Ako pa ang malalagot! (>.<)
“Huwag! Baka mahulog niyo yan!”
“Bakit natatakot ka? Hahaha!” – Steven
“dito pare! Pasa mo!” – Luis
“dito din! Lakasan mo! Hahaha!” – Jake
Mukha akong bata sa gitna nila habang pilit na kinukuha ang Projector na hiniram ko lang sa Library.
“SINABING AKIN NA YAN EH!”
Hindi na ako nakapagtimpi at nasuntok ko sa baba si Steven. Nang dahil doon ay naihagis niya ang Projector at hindi ito nasalo ng dalawa. Nasalo ni... Tacia?! (OoO)
“anong pinagkakaguluhan niyo dito?”
Hawak hawak niya ang Projector sa isa niyang kamay habang nakapamewang ang isa niya pang kamay.

BINABASA MO ANG
I love my Vampire Hunter
VampireSi Anastacia ay isang Bampira na namumuhay sa mundo ng mga tao. Sa pagsapit ng gabi ay pumapatay siya ng mga masasamang tao. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakilala niya si Vincent na isang Nerd na magiging klassmate niya pero ito pala ay isang...