Chapter 42: Scrapbook

49 3 1
                                    

A/N: para sa mga nahihintay ng update. ito na po! Grabe may nagbabasa pa pala nito! haha! Maraming salamat po sa paghihintay nyo! :D

---

Chapter 42

*Scrapbook*

[Anastacia’s POV]

Muli kong kinuha ang kutsilyo sa side table ko at hiniwa ang braso ko. Tumulo ang sariwang dugo nito at nanunuot sa buong braso ang sakit ng dahil sa pagkakahiwa ko. Unti unting naghihilom ang sugat na gawa ko hanggang sa maging normal na ulit ang braso ko at kahit kaunting sakit ay wala na.

Ilang araw na ang nakakalipas pero ganito parin ako. Ilang araw na ang nagdaan pero ang sakit ay nakabaon parin sa puso at sa  buong katauhan ko.

Wala na ang lahat. Wala na siya. Wala na kami. Wala na ang mga pangako. Hanggang alaala nalang ang lahat ng nangyari.

*tok tok tok*

Pumasok siya at tumayo sa harap ko.

“natapos ko na ang pinapagawa nyo.”

“n-nag...”

 

Nauutal pa akong banggitin ang tanong ko sa kanya dahil ayokong kaawaan niya ako. Ayokong bumaba ang tingin niya dahil sa ikinikilos ko ngayon.

“nagkita ba kayo,” sambit ko ng walang emotion

“hindi.” Matipid niyang sagot.

Nagpadala ako ng sulat sa iskwelahan na hihinto na ako sa pag aaral. Ayoko ng magkita kami. Ayoko ng magsalubong ang mga landas namin. Kapag nagkita kami, hindi ko alam kung ano ang gagawin niya. Hindi ko siya kayang patayin. Hindi ko kaya... Naging parte siya ng buhay ko at naging masaya ako doon.

“maiwan ko po muna kayo-”

“sandali Drex...”

 

Nauuhaw na ako sa halik, sa yakap at sa pagmamahal ni Vincent. Pero hindi ko na maaaring ibalik ang lahat. Bakit kasi siya pa? Ito ba talaga ang nakatadhana sa buhay ko? Ang mag mahal ng isang kaaway?

“maupo ka sa tabi ko,”

 

Walang imik siyang umupo sa tabi ko. Nakatingin kami sa isat isa. Walang emosyon ang mukha niya at hindi ko mabasa ang laman ng isipan niya.

“halikan mo ako.”

 

Pumikit ako at inisip ang mukha ni Vincent.

Ang Vincent na nakangiti,

Ang Vincent na nakasimangot,

I love my Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon