Chapter 40: I am

72 1 1
                                    

Chapter 40

*I am*

[Anastacia’s POV]

“hindi kita hahayaang mag isa Anastacia. Kailangan mo ako!”

“hindi ko kailangan ng kasama dahil mamamatay siya kapag nagsama ako! Huwag kayong susunod sa akin!”

 

Lalabas na sana ako ng pinto pero hinawakan ni Uncle ng mahigpit ang braso ko.

 

“dito ka lang muna Anastacia! Huwag kang magdesisyon ng mag isa!”

“pero Uncle Edward! Hindi ko siya pwedeng hayaan doon! Walang kalaban laban si Vincent kay Sophia! Kapag hindi ako gumawa ng paraan mamamatay siya at ayokong mangyari yun!”

“at kung hindi ka muna mag iisip, mapapahamak karin! Kahit sabihin mong Blood Beast ka, wala ka paring laban kay Sophia. Dalawa sila at isa ka lang na pupunta doon. Kailangan mo si Drex!”

“nabasa niyo ba yung sulat? Nabasa niyo ba kung ano ang nandoon? Ako lang dapat ang mag isa! Ako lang!”

 

At napaluhod ako sabay tulo ng mga luha ko. Hindi ko na alam ang gagawin. Nagtatalo na kaming lahat dito. Nagsisigawan at hindi kami nagkakaintindihan. Kung isasama ko si Drex, mamamatay si Vincent! Pero kung ako lang ang mag isa, siguradong pagtutulungan ako ni Sophia kasama ang butler niya at matatalo ako. Parehas lang ang lakas namin ni Sophia at hindi ko alam kung sino ang mananalo kapag naglaban kami.

Ano ng gagawin ko? Hindi ko siya pwedeng hayaan doon! Mahal na mahal ko si Vincent at kahit buhay ko ang kapalit, ibibigay ko basta huwag lang siyang masaktan at mawala. Pero, marami ang umaasa sa akin. Kapag si Sophia ang nanalo, siguradong magkakalat siya ng lagim at marami ang mamamatay. Ayokong mangyari yun...

Isang kamay ang humawak sa balikat ko kaya napaangat ako ng ulo. Si Drex. Nakatingin siya sa akin at seryoso ang mukha niya.

“sige. Hahayaan kitang pumunta mag isa doon.”

“a-ano? Butler ka! Amo mo yan! Hindi mo siya dapat hayaang mag isa!”

“malaki ang tiwala ko kay Anastacia na matatalo niya si Sophia. At isa pa,”

 

Pinunasan niya ang mga luha ko bago niya tapusin ang sasabihin niya.

“buhay ng mahal niya ang nakataya sa laban na ito. Kapag sumama ako sa kanya, ako pa ang magiging dahilan ng kamatayan ng kumag na yun.”

“Drex...”

“kaya Anastacia, mag iingat ka. Kung sakaling kailangan mo ng tulong, as in yung kailangang kailan mo, tawagin mo lang ako at darating ako agad agad.”

 

Tumayo na siya at tumingin ako kay Uncle. Siya nalang ang hinihintay ko sa isang mabigat na desisyon.

“s-sandali, may kukunin lang ako.”

 

I love my Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon