Chapter 1: Know me first

333 12 0
                                    

Authors Note: Sorry po kung natagalan to. Ayaw kasi ako palabasin ni mama kahapon kaya hindi ako nakapag update. About sa cover, siguro idodrawing ko nalang. wala kasi ako mahanap na magandang i cover dito eh. :3

---

CHAPTER 1

*Know me first*

[Anastacia’s POV]

Nakauwi na ako sa Mansion bago pa sumikat ang araw. Sa totoo lang hindi naman talaga madalas umaaraw dito. Kapag makulimlim ang kalangitan, ayun na ang pinaka magandang araw para sa akin.

Oo nga pala, nakatirik sa gitna ng gubat ang Mansion ko kaya safe ako dito. Ayokong tumira sa syudad dahil hindi ko makayanan ang sarili ko kapag nakakakita o nakakaamoy ako ng sariwang dugo.

Pagkapasok ko ng Mansion ay nadatnan ko si Uncle na nagbibilang ng bigas. Take note: isang sakong butil ng bigas ang binibilang niya. Well, mahilig kasi magbilang ang mga bampira. Kaya magaling kami sa Math. (--,)

“Hey! What’s up Uncle? Anong ginagawa mo?”

“naghahanap ako ng Elepante dito sa bigas.”

"Si Uncle talaga oh! Ang pangit ng biro mo!”

“nakikita mo na nga yung ginagawa ko eh tinatanong mo pa! Oo nga pala, nag iwan na ako ng pagkain mo sa freezer.”

“anong blood type?”

“type B.”

“tsk... nu bayan! Umay na!”

“pasalamat ka nga nagdala pa ako eh.”

“okay, thanks...”

“huwag kang mag alala, mag hahanap ako ng Type AB.”

Ngumiti nalang ako kay Uncle at umakyat na ako papunta sa kwarto ko. Bago pa ako makahiga sa kama

ko ay narinig kong sumigaw si Uncle.

 

"GRRRRR!!! Nakalimutan ko yung bilang ko! Nilito mo na naman ako Tacia!”

Mission accomplish! Ayun lang naman ang pakay ko kaya kinausap ko siya. Hehehe...

Dalawa lang kami dito ni Uncle Edward sa bahay. Dito sa napakalaking bahay. For short Mansion.

Namatay ang mga magulang ko dahil sa isang labanan. (Salamat sa mga nag condolence) A Vampire War. Matapos akong ipanganak ng aking Ina ay bumalik ito sa labanan para tulungan ang aking Ama pero hindi na sila nakabalik. Base yan sa kwento ng Uncle ko. Siya kasi ang naglayo sa akin mula sa labanan na nangyari.

Parehas na Pure blood ang mga magulang ko kung kaya't isa rin akong Pure blood. Isang ordinaryong bampira lamang ang Uncle ko. Kapag sinabi kasing Pure blood, may kakayahan kami na hindi magagawa ng isang normal na bampira. Rare lang kasi sa pamilya nila ang magkaroon ng Pure Blood, at napasa iyon sa aking Ama. Super lucky!

I love my Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon