Chapter 11: Weird Reflection

203 3 1
                                    

Authors Note: awiie! bat ganun? naiinlove ako kay Vincent? XD bwahahaha!

Vincen Ford in Poker face mode (Check Multimedia)

Enjoy your reading! (^.^)

************************************************************************************************************

Chapter 11

*Weird Reflection*

[Vincent’s POV]

cause i love her with all that i am, and my voice shakes along with my hands, cause she’s all that i see and she’s all that i need and im out of my league once again... blah blah blah...”

Sinasabayan ko sa pagkanta ang mp3 ko ng paborito kong kantang Out of my League habang gumagawa ng cookies. Usuall umalis na naman sila Mom and Dad for business meeting. Hindi naman out of town pero 3 days silang mawawala dito sa bahay.

Inayos ko ang mga cookies at inilagay sa hulmahan. May heart shape, star, square at kung anu ano pa. Nakakasawa na kasing tignan kapag bilog lang. After ko itong ilagay sa try ay inilagay ko na ito sa oven.

*DING DONG*

“Saglit lang!”

Dali dali akong naghugas ng kamay para i check kung sino ang nasa labas ng bahay. Naku... huwag sana si Tacia to. (-_-)

Huminga ako ng malalim bago buksan ang pinto.

“magandang umaga Sir. Deliver po.”

Delivery boy lang pala. Salamat naman. (=w=)

“para kanino po?”

“para kay Vincent Ford po. Nandiyan po ba siya?”

“ako po iyon.”

“paki pirmahan nalang dito.”

“sige po salamat.”

Matapos nun ay umupo ako sa couch at binuksan ang may kalakihang kahon. Nakita ko doon ang tatlong medyo maliit na kahon at binuksan ito.

“wow! Bagong bala! Astig talaga ng sponsor ko!”

Magkatapos nun ay kinuha ko ang nakaplastic at chineck ito.

“Tuxedo? Para saan ito?”

Kinuha ko ang isang sulat na nakadikit dito at binasa.

Vincent,

Nalalapit na ang muling pagtitipon ng mga Vampire Hunter at gusto kong dumalo ka. Marami kang makikilala doon na katulad mo rin. Gusto kitang ipakilala sa lahat bilang isang magaling na mag aaral ko. Suotin mo ang damit na ibinigay ko sayo. Sa itinakdang araw, isang sasakyan ang magsusundo sayo. Inaasahan ko ang iyong pagdating.

Master Heinz.

Umabot hanggang tenga ang ngiti ko ng mabasa ang sulat. Ako? Inaanyayahan ni Master Heinz? Sa Vampire Hunter Clan?! WOW! \(^o^)/

Dali dali kong sinukat ang Tuxedo na kulay Dark gray na ibinigay niya. At saktong sakto lang ang sukat nito sa akin. Humarap ako sa salamin namin na kasing laki ng cabinet. Lalo tuloy akong gwumapo. (--,)

“oo nga pala. Kung lahat ay pupunta doon, makikilala ko kaya yung babaeng may pana?”

Tinignan ko ang reflection ko habang inaayos ko ang Neck tie ko. Mukhang marami pa akong makikilala at magiging bagong kaibigan. Anu kaya yung mga sandata nilang ginagamit na pamuksa sa Perilous? May babae rin kayang Vampire Hunter? May maganda kaya sa kanila? Ahihihi... (^w^)

I love my Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon