Chapter 6: A Night with Her

275 8 3
                                    

Chapter 6

*A Night with Her*

 

[Anastacia’s POV]

“anung pinagsasasabi mo?”

“gusto kong... halikan mo ako... kahit... isang beses lang...”

 

Gusto ko siyang i-hypnotize para sundin ang gusto ko pero gusto ko na bukal sa loob ang gagawin niya.

Hindi naman ako nagkamali dahil dahan dahang bumababa ang kanyang mukha para halikan ako. Napapikit ako ng magdikit na ang mga ilong namin.

*KRING KRING KRING KRING*

 

“ehem...”

“mukhang may... tawag ako.”

 

Dahan dahan kaming naghiwalay at hindi kami makatingin sa isat isa. Awkward... Hindi ako magdadalawang isip na dukutin ang puso ng kung sino mang nang istorbo sa amin. (+_+) malapit na eh! Konting konti nalang eh!

“yes mom?... Opo. Kumain na ako... Nasarado ko narin lahat ng lock sa bahay... Sige po... Mag ingat rin po kayo diyan... paalam po.”

Mommy niya pala yun. Hehehe... Joke lang yung sinabi ko. (- -,)

Bumalik na siya sa sala at niligpit lahat ng kalat namin.

“dito ka ba talaga matutulog?”

“oo nga. Kulit.”

“hay nako. Sige, doon ka nalang sa kwarto ko matulog. Magpalit ka ng damit mo kung gusto mo.”

“yahoo! Papayag karin pala eh!”

 

Umakyat na ako sa kwarto niya at madali ko namang nahanap iyon. Wow. Ang ganda ng kwarto niya. Mukhang malinis siya sa mga gamit. Binuksan ko ang cabinet niya at kumuha ako ng isang black t-shirt at isang red boxer. Matapos ko itong isuot ay bumaba  na ulit ako sa sala. Nadatnan ko siyang... nagtatanggal ng tshirt! OH SHIT! YUMMY!

Nakaka mouth watering ang katawan niyang may 6 packs ng abs. (OqO) Napakasuper sexy ng katawan niya! Sabay tanggal niya pa ng salamin niya! Yung dating Nerd na nakilala ko, ngayon ay isang super yummy hunky na! WHAAAAA!

May itinatago palang likas na yaman ang nerd na to. Hehehe...

Agad niyang tinakpan ang katawan niya ng makita niya ako. Akala mo babae...

“Ta-tacia? Ka-kanina ka pa ba dyan?”

“asus. Bakit kailangan pang takpan yan?”

“w-wala lang! Baka manyakin mo ako eh!”

“aba ako pa yung mang mamanyak sayo?! nahiya naman ako sayo dude!”

“eh bakit mo kasi-“

I love my Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon