Chapter 31: It can't be

117 4 0
                                    

Chapter 31

*It can't be*

 

[Vincent’s POV]

“see you next week. Enjoy your weekends.”

“yes ma’am.” – all students

Tumingin ako kay Tacia at naabutan ko siyang humikab sabay lapag ng ulo sa kanyang lamesa habang nakaharap sa akin ang mukha niya. Nakita ko pa sa mata niya na tumulo ang luha niya. Mukhang kanina pa siya inaantok at pinipigilan niya lang iyon.

“babe, magmomovie marathon ba tayo ngayon?”

“pasensiya ka na Tacia. May meeting kasi ako ngayon eh. Hindi ako pwede ngayon. Sorry.”

“ah? Meeting para saan? Kailan ka pa naging officer?”

“ahmmm… hindi dito sa school.”

“para saan?”

 

Tumingin ako sa paligid at ng makitang paalis na ang mga classmate namin ay nag hand gesture ako ng baril. Hindi ko alam kung paano sabihin sa kanya eh.

“ah. Yung side b mo”

 

Nag pout siya pagkatapos niyang sabihin yun. Mabuti naman at nakuha niya agad…

“sorry babe ah. Next time nalang ulit.”

“eh nung kahapon ganyan din ang sinabi mo. 3 days ka na laging may meeting. Officer ka ba dyan?”

“hindi.”

“members lang? Para saan ba yang meeting niyo?”

“hindi pwede sabihin eh. Sorry…”

 

Sa totoo lang, kapag pumupunta ako wala naman akong naaabutan. Sinasabi nila Gian late daw ako ng dating, hindi daw natuloy yung meeting, kulang ang officer. Eh mukhang wala namang talagang meeting eh. Hindi naman nila ako pinapaalis agad. Hindi ko alam kung bakit nila ginagawa yun.

“so, nagtatago ka na sa akin ng sikreto?”

 

At dalawang nanlilisik na mata ang nakatingin sa akin ngayon. Eh… paano ko ba sasabihin sa kanya? (T.T)

“h-hindi naman sa ganun Tacia… a-ayaw lang kitang madamay…”

“sus… siguro nakikipagdate ka sa ibang babae no?”

“h-hindi no!”

 

Tumayo siya at lumapit sa akin habang titig na titig siya sa mga mata ko. Ano bang sasabihin ko! (ToT)

“eh bakit ang tagal mo sumagot?!”

“e-eh kasi…”

I love my Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon