Chapter 38: The time has come

64 1 0
                                    

Chapter 38

*The time has come*

[Gian’s POV]

“ayaw ka daw niya munang makita Gian! Tama na ang pangungulit mo dahil wala ka ring mapapala!” - Kiel

“hindi pwede! Ano bang dahilan kung bakit ayaw niya akong makita? Gusto ko siyang kausapin! Mag papaliwanag ako!”

“hindi nga pwede Gian! Sinusunod lang namin ang sinabi ni Suzy at ayaw ka daw niyang makita. Bakit ba hindi ka makaintindi?”

“hindi ako naniniwala! Pinoprotektahan mo lang siya! Alis!”

 

Hinawi ko siya at kinatok ko ng malakas ang pinto.

“Suzy! Buksan mo ang pinto! Alam kong naririnig mo ako! Mag usap tayo! Nag mamakaawa ako sayo please! Suzy! Sige na!”

“tama na Gian! Mapapagalitan tayo nila Tita kapag naabutan kang nagwawala ka dito!” – Kiel

“wala akong pakialam! Gusto kong makausap si Suzy ngayon! Alam kong bubuksan niya ang pinto! Suzy! Sige na! Mag usap tayo!”

“Nababaliw ka na ba talaga Gian? Hindi lang ikaw ang nasasaktan! Pati si Suzy din kaya hayaan mo muna siya!” - Percy

“kaya nga gusto ko siyang makausap ng masinsinan para mawala na tong sakit na nararamdaman namin! Sige na Suzy! Buksan mo na tong pinto!”

 

Hindi nila ako napigilan at kinakatakot ko ng malakas ang pintuan ni Suzy. Alam kong naririnig niya ako, alam kong bubuksan niya ang pinto at mag uusap kaming dalawa. Kailangan kong sabihin sa kanya na siya ang mahal ko at hindi ko sinandya ang nangyari. Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi sa akin ni Luxus noong nakaraan pero si Suzy ang gusto kong makausap tungkol doon. Wala akong tiwala sa lalaki na yun.

Sa sobrang inis at galit ko ay pinagsusuntok ko na ang pinto at sinipa ko ito.

“tama na Gian!”

“tumigil ka na nga! Pinapagod mo lang ang sarili mo!”

“wala akong pake! Huwag kayong mangialam!”

 

Tumulo ang mga luha ko habang binabanggit parin ang pangalan ni Suzy. Nagdurugo na ang mga kamao ko dahil sa suntok at nawawalan na ako ng lakas.

“Gian!”

 

Napatingin ako sa lalaking tumawag sa akin at isang suntok ang tumama sa pisngi ko. Napaupo ako at parang nawala ako sa sarili.

“V-Vincent...”

“kung mahal mo talaga siya, hayaan mo muna siyang mag isip. Isa pang katok mo sa pintuan niya at makakatikim ka ulit sa akin ng suntok. Magpakalalaki ka Gian.”

 

---

Naikwento na pala kay Vincent ang nangyari lahat lahat. Pinapunta siya dito nila Percy dahil hindi daw nila ako mapigilan. Matapos kong matamo ang suntok na yun ay nagpunta kami sa sala para mahimasmasan ako. Hindi ako galit sa ginawa ni Vincent. Mabuti nga at ginawa niya yun dahil hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

I love my Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon