A/N: ayan @itsmegeylribano at @JhaJhaTheGngstr, nag UD na ako ah! I vote niyo lahat ng chapters ko. Kung hindi wala ng susunod na chapter. End na agad. Haha! Joke. Salamat sa pagbabasa ng gawa ko kahit nakukulitan na ako sa kakasabi niyo ng UD, tinatamad talaga ako magtype. Na motivate lang ako ngayon. Haha! oh sha, magbasa na kayo. Huwag niyo kalimutan mag vote ah! *wink*
--
Chapter 44
*The Butler's Duty*
[Drex's POV]
"nagdadalang tao na si Madam Delia! Mag kakaanak na sila!"
Tuwang tuwa na sabi ng aking Ina habang binabangggit ang magandang balita na nakalap niya. Nagliwanag ang mukha ng aking Ama dahill doon.
"Maganda ngang balita iyan! Kailangang magkaroon ng pagdiriwang para sa paghahanda!"
Agad silang lumabas ng bahay at naiwan ako mag isa sa loob. Hindi ko sila maintindihan. Bakit sila masaya? Ano ba ang ibinalita ni Ina?
Kinagat ko ang sariwang pagkain na ibinigay sa akin ni Ina kanina pa at tumingin ako ng malayo sa bintana.
--
"binabati ko kayo Panginoong Bryon at Madam Delia. Nawa'y maging masaya sana ang inyong pamilya."
"salamat sa iyong bati Jin."
Ang aking Ama ay isa sa mga Councilors na hawak ni Panginoong Bryon noon kung kaya't malapit siya dito.
Naganap na ang pagdiriwang na sinabi ng aking Ama at lahat ay imbitado kahit ang mga tao ngunit hindi sila sa bulwagan nagdiriwang kundi sa labas. Tanging mga bampira lamang ang imbitado sa loob.
"ito po pala ang aking anak, Si Drex."
"i-ikinagagalak ko po kayong makilala."
"ganun din kami Drex."
"Mukhang maganda ang pagpapalaki mo sa kanya Jin."
"Marami pong salamat Panginoong Bryon at Madam Delia. At bilang ganti sa inyong kabutihan sa akin, iniaalay ko po ang aking anak, biglang tagapagligtas at tagapagbantay sa inyong magiging anak. Dahil nakikita ko na ang inyong magiging anak, ay isang magandang babae."
Hindi ko naintindihan ang sinabi ng aking Ama ngunit kitang kita ko ang ngiti sa mukha nila Panginoong Bryon at Madam Delia.
Lumapit sa akin si Madam Delia at yumuko siya upang pantayan ang aking mukha.
"kamusta ka Drex? Ilang taon ka na?"
"limang taon po."
"ah. Ganun ba. Nakikita ko na hindi pambihira ang kakayahan mo. Gusto mo bang hawakan ang magiging bago mong kaibigan?"
"nasaan po siya?"
Tumayo siya ng tuwid at itinuro niya ang kanyang tiyan. Bilugan na ito at medyo malaki.
"nandito siya sa loob."
"kinain niyo po siya?"
Nagtawanan silang tatlo at ako naman ay nakatingin parin sa kanyang tiyan.
"nakakatawa ka Drex. Ang bata ay bata talaga. Nandito siya sa tiyan ko para magpalaki at magpalakas, at balang araw, kapag malakas na siya ay mawawala na siya sa tiyan ko."
BINABASA MO ANG
I love my Vampire Hunter
VampireSi Anastacia ay isang Bampira na namumuhay sa mundo ng mga tao. Sa pagsapit ng gabi ay pumapatay siya ng mga masasamang tao. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakilala niya si Vincent na isang Nerd na magiging klassmate niya pero ito pala ay isang...