Chapter 14: Finally

204 4 0
                                    

Authors Note: guys may isheshare ako sa inyo. napanuod niyo na ba ung Pee Mak? Want a link? Click niyo lang yung external link and... TADAH! with english subtitle pa. :) nasa baba yung part 2 basahin niyo lang. :) Sasakit ang tiyan niyo sa kakatawa! :D ghe yun lang!

Enjoy your reading (^_^)

************************************************************************************************************

Chapter 14

*Finally*

[Anastacia’s POV]

“lumayo ka nga sa akin! Nakakahiya!”

“ano namang nakakahiya? Eh boyfriend kita!”

“boyfriend ka diyan! At kailan pa?! Wala akong natatandaan na niligawan kita no!”

Muli akong kumapit sa mga braso niya at sinamahan siya para maglunch break. Grabe miss na miss ko na talaga si Vincent!

Bakit ba gusto niya sa lugar na walang tao? Napaka emo naman nito! Gusto ko sanang maging showy sa iba para ipamukha ko sa kanila na may naiinlove din kay Vincent no! At maganda pa! Nyahahaha...

Umupo siya sa bench at tumabi ako sa kanya. Binuksan niya ang lunch box niya at nagsimula ng kumain. Binuksan ko ang wrapper ng lollipop ko at isinubo ko ito.

‘hindi ba kakain to? Lagi nalang lollipop ang isinusubo.’

Napangiti ako ng mabasa ko ang isip niya. Tinignan ko siya habang kumakain siya.

“huwag mo akong tignan!”

“yuck! Tignan mo yung braso ko oh! May tumalsik na kanin!”

Namula ang mukha niya at dali daling pinunasan ang braso ko. Ngayon lang ako naka encounter nun ah! Nakakadiri nga promise... (>.<)

“lumayo ka kasi sa akin ng hindi kita matalsikan!”

“eh ayoko nga eh!”

“tsk...”

Pinahid ko ang lollipop sa mga labi ko hanggang sa maglagkit na ito. Namimiss ko na yung kiss ni Vincent. (=w=)

“sige, aalis na ako dito. Sa isang kondisyon?”

“sige ano yun?”

“tignan mo ako.”

Tumingin siya sa akin na may namumulang pisngi. Tinanggal ko ang lollipop sa bibig ko at hinalikan ko siya sa mga labi. After 15 seconds ay humiwalay na siya sa akin.

Nakita kong dinilaan niya ang labi niya bago sumubo ng lunch niya. Napapangiti talaga ako! (>//w//<)

“sige aalis na ako. bye bye.”

Tumayo ako para iwanan na siya pero nabigla ako. Nakahawak siya sa palda ko. Tinignan ko siya at nakayuko lang siya.

“w-wag ka na palang aalis. T-tapos na akong maglunch.”

Binitawan niya na ako at inayos niya na ang lunch box niya. Muli akong umupo sa tabi niya at tumingin tingin ako sa paligid. Kahit isang istudyante walang nag dadaan dito. Anu bayan!

“bakit ba gusto mo sa lugar na ito?”

“kasi tahimik.”

Tumingin ako sa malayo kung saan din siya nakatingin. 20 minutes pa bago matapos ang lunch break.

I love my Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon