Chapter 25: The Plan

126 3 0
                                    

Chapter 25

*The Plan*

 

[Vincent’s POV]

Hindi ka na niya makikilala at hindi ka na niya maaalala. Ngayon, tatanungin kita. Gusto mo pa bang gamitin ‘to?”

Napatingin ako kay Gian na busing busy sa pagkain ng graham. Nag kibit balikat lang siya. Hindi ko alam ang isasagot ko.

Ibinalik na ni Rengie ang Neuralizer sa box at inilapit niya ito ng husto sa akin.

“I’ll understand your situation. It’s hard to decide between your love or your career. But you need to choose 1. Sayo muna yan hanggang sa makapagdecide ka na.”

 

Kinuha ko ang Neuralizer at iniisip ko si Tacia. Hindi ko alam kung sino ang mas matimbang. Mahal ko ang pagiging Vampire Hunter ko at mahal ko rin si Tacia. Pero… baka masaktan siya kapag nagtagal ang relasyon namin. Ayokong mangyari yun. Baka hindi ko na siya maprotektahan dahil may pinoprotektahan din ako.

Nag isip akong mabuti. Nakapagdisisyon na ako.

“maraming salamat Rengie sa tulong mo.”

“walang anuman.”

 

Tumingin ako kay Gian at nilalantakan na pala niya ang graham ko. Ang sugapa naman nito!

“Ayaw mo yata kainin ‘to eh. Akin nalang.”

“ay nako. Bahala ka nga. Bilisan mo ng makaalis na tayo.”

 

---

“kulay blue?”

“ang pangit.”

“kulay pink?”

“masyadong common.”

“kulay brown?”

“super common.”

“kulay red?”

“parang masakit sa mata?”

“eh anong kulay?”

 

Hinatak ni Gian ang isang malaking Teddy Bear na kulay puti at nakasuot ito ng cheleko na itim at may hawak siyang red rose na stuff toy din.

“perfect! Ang ganda ng kulay! Kamukha mo Vincent oh! Hahaha…”

 

Pinagmasdan ko ang teddy bear na hawak niya. Sa tingin ko matutuwa siya ng husto dahil dito. Binayaran ko na ang teddy bear at muli kaming naglibot.

“nasabihan mo na ba yung mga kaibigan mo na tutulong sa akin?”

“oo kahapon pa. Baka nagpapractice na nga yun eh.”

I love my Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon