Chapter 2: Meet a new friend

276 10 0
                                    

Authors Note: Whaaa! pasensya na kung natagalan ang update na ito. Nung nakaraan, i uupdate ko na sana to kaso ayaw na akong palabasin ni mama. gabi na daw kasi tapos dapat kahapon pato, kaso bumabagyo kaya ayun, ngayon ko lang na update. pero dahil diyan ay iuupdate ko naring ang chapter 3. :)

---

Chapter 2

*Meet a new friend*

 

[Anastacia’s POV]

 

“sabihin mo, isa ka bang... bampira?”

 

Hindi ko alam kung anung isasagot ko, tanging iling lang ang naging tugon ko sa kanya. Pero bago pa ako makapagsalita ay nag iba ang anyo niya. Namula ang mata niya at lumabas ang mga pangil niya. Halos nanlaki ang mga mata ko. Totoo ba ‘tong nakikita ko?!

“i-isa ka ring... bampira?”

“oo. Isang bampira na katulad mo.”

“katulad ko? Nakakasiguro ka ba na bampira ako?”

“oo naman!”

“at paano naman?”

 

Bumalik siya sa pagiging normal at inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko kaya sa tingin ko nagbablush ako. Grabe ang bango niya pa! Ang sarap kagatin ng leeg niya! Ang puti!

“kasi, hindi ka natakot nung pinakita ko sayo ang tunay kong anyo. At iba ang tubo ng pangil ng bampira kung ikukumpara sa pangil ng mga tao.”

 

At pinisil niya ako sa pisngi. Oh My Gulay?! Pinisil niya yung pisngi ko! (>//w//<)

Pero teka... oo nga no? Ang tanga ko! (>.<) Bakit hindi ako umakting ng halos magwala na ako dahil sa takot? Ang tanga ko talaga!

“o diba? Sabi na eh. Reaksyon mo palang nakuha ko na.”

“t-teka! P-patunayan mo muna na bampira nga ako!”

“Vampires can read minds.”

 

Sabay tuktok sa sentido ko.

Nakakainis naman talaga! (-. –“)

“ok. Panalo ka na...” Kunwari nagtatampo ako.

“pero mabuti at dito ka napadpad. May makakasama narin ako.”

 

Ngumiti siya at ginulo gulo niya ang buhok ko. Napangiti rin ako. Pumunta siya sa kanyang table para pirmahan ang COM ko ng OK. Nang mabasa na niya ang COM ko ay biglang siyang lumuhod sa harapan ko.

Anyare sa kanya?

“ui! Doc! Anyare sayo?”

I love my Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon