Authors Note: sino ng nakapanood sa inyo ng The Conjuring? For me medyo hindi siya nakakatakot. nakakagulat lang. hehehe... oo nga pala, sa mga manunuod, siguraduhin niyong may mga kasama kayo para after niyong sumigaw, tawanan naman. ang saya nun grabe! :D
enjoy your reading! :)
************************************************************************************************************
Chapter 5
*The Conjuring*
[Vincent’s POV]
“VINCENT! NAGKITANG TAYONG MULI! YAHOO!”
“A-anong ginagawa mo dito?”
“naghuhunting ng elepante sa Convenience store. Bakit may angal?”
“tsk... akin na yang lollipop ko!”
“lollipop mo? Lollipop mo? Bakit nabili mo na ba to? Ah? Ah?”
“hindi! Pero ako ang nauna diyan.”
“kung ikaw ang nauna, bakit hawak hawak ko? Meaning, ako ang nauna.”
“pero ako ang nauna dito sa counter. Meaning ako dapat ang mauuna diyan sa lollipop dahil nakapila ako dito! Singit ka lang!”
“for your info, hindi porket nauna ka sa counter eh ikaw na ang mauuna dito sa lollipop no! Bakit hindi mo agad kinuha?!”
“kasi nakuha mo na!”
“kasi nga ako ang nauna dito!”
“ako nga sabi!”
“ako!”
“ako!”
“ako!”
“EXCUSE ME! WALA AKONG PAKIALAM KUNG SINO ANG NAUNA DIYAN SA INYO! ANG MAHALAGA AY BAYARAN NIYO NA YANG PINAMILI NIYO AT UMALIS NA KAYO DITO DAHIL MAHABA NA ANG PILA!”
Napatingin ako sa likod ko at mahaba na nga ang pila. Nakatingin sila lahat sa akin ng masama. Bakit kasi isa lang ang counter dito?
“miss ito bayad ko. 1 thousand para sa lollipop at sa pinamili niya. Keep the change.”
Inilapag niya ang isang libo sa counter at umalis na siya. Ang yabang naman nun! Isang libo ang binayad!
Matapos ilagay sa plastic ang pinamili ko ay lumabas na rin ako ng Convenience Store. Nakita ko siyang nakasakay sa Bike ko at nakasubo na sa bibig niya ang lollipop na pinag aagawan namin kanina.
“umalis ka nga diyan. Uuwi na ako.”
“ayoko nga.”
“umuwi ka na sa inyo at baka hinahanap ka na ng nanay mo.”
“ayoko nga.”

BINABASA MO ANG
I love my Vampire Hunter
VampirSi Anastacia ay isang Bampira na namumuhay sa mundo ng mga tao. Sa pagsapit ng gabi ay pumapatay siya ng mga masasamang tao. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakilala niya si Vincent na isang Nerd na magiging klassmate niya pero ito pala ay isang...