Chapter 36: Special day

69 2 0
                                    

Authors Note: Grabe almost 2 months na rin pala ako hindi nakapag upadate! Kawawa naman ung nag msg sa akin. 1 month ng nakalipas yung comment niya. pasensya na po. ang hirap na po kasi maging last yr sa college. sabay pa yung thesis ko. Pero sana this year matapos ko na ito. Marami pong salamat sa patuloy na pagbabasa ng storyang ito! :D Muwah muwah!

---

Chapter 36

*Special Day*

[Vincent’s POV]

“ako po ay isang rapist at holdaper. Ako ay walang puso dahil marami na akong pinatay.”

“grabe kahit may ganito ng nangyayari hindi parin natututo tong mga to! Hindi ba talaga sila natatakot?”

“impossible talagang Perilous ang may gawa nito.” - Rengie

“hoy kayo mga bata! Dis oras na ng gabi nandito parin kayo sa lansangan! Baka mabiktima din kayo! Magsi uwi na nga kayo!” – Pulis

“mga future detective kami no. At tsaka mukha ba kaming magnanakaw at holdaper? Mga masasamang tao lang ang pinapatay niyan no.” – Gian

“ang dami pang satsat! Umalis na nga kayo at baka makita pa kayo ng chief namin. Baka mapagbintangan pa kayong nagdadrugs dito.” – Pulis

Kinuha na nila ang katawan ng biktima kasama ang note na inilagay nila sa zip bag. Umalis na kami at pinuntahan ang mga babae.

“ano may nakita ba kayong ebidensya?” – Gian

“wala. Malinis ang paligid at kahit isang bakas ay wala kaming nakita.” – Percy

“paano niya kaya nalalaman na isang criminal ang bibiktimahin niya ngayon?” – Kiel

“baka naman nagtatago siya tapos tinitignan niya kung may holdapang magaganap?” – Suzy

“may point si Suzy. O kaya mag isa lang siyang naglalakad dito sa kalye at nag aabang ng hoholdap sa kanya at pagkatapos bibiktimahin niya na. Sa tingin niyo may kasama pa kaya siya?”

“sa tingin ko wala. Isa lang kasi ang kagat sa leeg niya at walang galos o sugat sa ibang parte ng katawan ng biktima.” – Rengie

Para kaming mga detective dito. Nag hunting kasi kami ng mga Perilous kanina at hindi namin inakala na malapit lang dito ang krimen na nangyari. Sayang hindi namin nahuli yung bampira!

“o sha. Mission accomplish na tayo.” – Kiel

“tara uwi na tayo! Inaantok na ako.” – Suzy

“sige see you tomorrow. Ingat kayo sa pag uwi!”

“bye bye!”

 

Sama sama silang naglakad habang kumakaway sa akin at pagkatapos ay tumalikod na sila. Napansin ko pa na magkadikit ang likod ng mga kamay nila Gian at Suzy. Ayaw pa mag holding hands. Ayos na kaya silang dalawa?

---

“good morning lalabs ko! Mukhang hindi ka nakatulog ng mahimbing ah?”

I love my Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon