Chapter 34

19 2 0
                                    


Sophia.. the first time I met her sobrang liit at bata pa niya, iyakin at napaka-cute na bata. She became important to me because I treat her as my younger sister. Our mothers were best friends, hindi naging mahirap sa akin ang lubayan siya. Dahil gusto nilang laging magsama at pareha kaming only child na dalawa.

Alam ko at naiintindihan ko na gusto ng mga nanay namin na magkatuluyan kami ni Sophia, hindi na ako bata para hindi maiintindihan pa 'yun. Nang mga panahon na iyon naiinis ako tuwing pinipilit nila kaming dalawa sa isa't isa , dahil kapatid na nakakabata lang ang tingin ko kay Sophia.

Nagbago iyon ng makita ko siyang muli pagkalipas ng ilang taon, hindi ko mabasa ang tuwa sa mga mata niya ng magtagpo ang paniningin naming dalawa. I thought she didn't recognize me because of my hairstyle dahil mahaba ang buhok ko, pinutol ko iyon katulad ng huling itsura noong huli naming pagkikita, pero hindi niya pa rin ako matandaan. Ganoon ba kadali sa kaniyang kalimutan ako?

"Ah... ito na ang pagkain mo, aalis nako." Mabilis na sabi niya pagkababa ng pang-araw araw na pagkain ko. Hindi niya man lang ako pinupunan ng tingin at magawang kausapin ng mas matagal. Pakiramdam ko natatakot siya sa akin.

Hindi niya alam na ang masasamang tingin ko ay dala ng pagkainis dahil hindi niya ako makilala!

Ako ang Kuya Jon mo, Sophia! You're so stupid.

Madalas kong makita na kasama niya ang lalaking iyon. Aaron ang tawag niya at alam ko sa tingin at pag-aasaran nilang dalawa may gusto sakaniya ang taong iyon. Masyadong innosente at patay malisya si Sophia, ultimong ganoong bagay ay hindi niya rin napapansin. Makilala nga ako ay hindi niya matandaan, malaman pa kayang may gusto sakaniya ang lakaking iyon.

"Yes! HAHHAHAHAHA" napa-kunot ang noo ko ng mapadaan ako at nakitang nag-aasaran na naman si Sophia at ang kaibigan niya. May kasama naman silang isang babae pero halatang mas gusto punan ng tingin ng lalaking ito si Sophia. "Nasubo ko na eh, akin na ito bleh!" padabog akong umalis sa pwesto ko ng ilabas niya ang dila sa kaibigang lalaki.

Ganyan ganyan din siya magpa-cute sa akin noon, pero ngayon sa iba na niya ginagawa yon'. Miss na miss na kita Sophia..

Dumating araw na kailangang kong sabihin na girlfriend ko siya sa harap ng maraming studyante at hindi ko pinagsisisihan ginawa ko iyon. Kung yun ang natatanging paraan para kausapin niya ako uli.

Hindi ako nabigo dahil kinausap niya ako uli, napakasaya ko at walang mapaglagyan ang tuwa ko. But she's really dumb dahil hindi niya pa rin ako maalala kahit anong pagpaparinig ko at pagbibigay ng mga bagay na magpapaalala sa nakaraan naming dalawa.

May ilang araw na hindi niya ako muling pinansin at saka iniwasan, hinanap hanap ko ang presensiya niya. Hindi na rin siya naghahatid ng pagkain ko, kung minsan naman ay iniiwan niya lang at agad tatakbo. Wala naman akong nagawang mali pero bakit niya ako iniiwasan muli?

Doon ko naramdaman na namimiss ko siya hindi na bilang nakakabatang kapatid, dahil iba ang naramdaman ko nung makita kong yakapin niya ang kaibigan niyang lalaki ng oras na iyon. Nagseselos ako, gusto ko na siya at gagawin ko ang lahat para bumalik siya sa akin.

Umamin ako sakaniya at alam kong nagulat siya, hindi ako naging vocal ng nararamdaman ko sakaniya, mas lalo akong sumaya ng magustuhan niya ang regalo ko at naalala na niyang ako ang kuya jonu niya. Kahit yong bagay lang na yon na natandaan na niya ay masayang masaya na ako. Mas lalo pa nung pumayag siyang maging girlfriend ko.

Nang oras na alam ko.. nagseselos siya dahil nahalikan ako ng partner ko sa play, gusto kong suntukin ang sarili ko dahil nasaktan ko siya pero gusto ko ring yakapin siya at halikan dahil alam ko... mahal na niya din ako, kaya ginawa ko at napakasaya ko ng masabi na niyang mahal na niya din ako.

My Ex- Boyfriend is a Pop Star [FAN FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon