Ill-Fated
Hindi mapawi ang ngiti sa aming mga labi. Sobrang saya ko. Hindi dahil sa halik na ipinaranas niya kung hindi dahil nasabi ko na sa kaniya ang tunay na nararamdaman ko. Nagkaroon na ako sa wakas ng lakas ng loob bago pa mahuli ang lahat.
"You finally said it. Kiss ko lang pala kailangan.." nangaasar na sabi niya huli.
Marahan kong kinurot ang pisngi niya. "Amfeeling mo rin eh noh. Psh!" Natawa kami pareho. Muli kong naalala ang huling eksena nila kanina ni Trinity sa entablado. Umiwas ako ng tingin. "..tss si Trinity naman unang nakahalik sayo." mapait akong ngumiti.
Nagtaka ako ng ngumisi siya sa akin. "No, someone stole a kiss from me when I was eight years old. " Kumunot ang noo ko. He mocked a laugh. "Of course you can't remember!" Umiling iling siya. Ako ba ang tinutukoy niya? Malamang ah! Hindi ko iyon maalala dahil masyado pa akong bata non.
"Kung ganon.. ako?" Namangha kong tanong.
"Yea.. stupid. It's always been you." Nakakagulat.
Sa tuwang naramdam ay ninakawan ko siya ng mabilis na halik sa labi. Ikinagulat niya ayun ng bahagya ngunit ng makabawi ay ginawaran niya ako ng mas matamis na halik. Ang masarap na pakiramdam na iyon ay napatigil ng isang napakalakas na tugtog.
Musika iyon ng closing remarks ng stage play. Instrumental na simula ng sikat na 'Chandelier ni Sia. Siguro'y naguumpisa ng maglakad ngayon ang mga props team. Nakarinig kami ng anunsyo ng sandaling iyon. Tiningnan ko si Jon sa mata at ngumiti ng malaki.
"Pumunta ka na doon.. bilisan mo." Sinabi ko ng puno ng kasiguradahan sa aking tono. Ngunit ikinagulat ko ng hawakan niya ang kamay ko at tumakbo. Napilitan akong mapasunod. "Huyy- ano ba.. okay lang.. na dinako umabot don!" Hindi niya pinansin ang aking sinabi. Ayos lang sa akin kung hindi na ako rumampa para sa closing remarks, pero siya ay importante para doon.
Pagkadating namin sa backstage ay busangot na mukha ang ipinakita ni Sir Dante at Maam Grace. Nanatiling hawak ni Jon ang kamay ko. Pinipilit ko itong kalasin ngunit hindi ko matanggal.
"Watson! We've been looking for you! Saan ka ba nanggaling?!" Galit na sabi ni Maam Grace
Party girls don't get hurt
Can't feel anything, when will I learn
I push it down, push it down
Napatingin si Trinity sa amin. "JD!!" Sinulyapan niya ang magkahawak namin na kamay. Agad akong nagtago sa likod at yumuko.
I'm the one "for a good time call"
Phone's blowin' up, they're ringin' my doorbell
I feel the love, feel the love
"Kayo na ang susunod, pagkatapos nito. Fix yourself.. Maraming bisita sa labas" ani ng direktor. Tinutukoy niya marahil ang mga kakilalang tao na nasa ganitong larangan na maaring makakilatis kay Jon.
Lumabas ang sumunod na karakter sa kurtina. Nagpapahiwatig na susunod na ang magpartner na bida sa play na ito. Pumwesto si Trinity sa likod ng kurtina. Tiningnan niya si Jon. Kinalas kong muli ang aming kamay ngunit hindi ito nagpatinag.
"Mauna ka na."
Nagulat si Trinity sa sinabi ni Jon. "What?! No! Tayo ang partne-.."
"Go." Puno ng awtoridad na sabi niya bago senyasan ang nagbubukas ng kurtina. Masyadong nakakatakot ang tingin ni Jon kaya't hindi na nagreklamo pa si Trinity, napabusangot nalang ito at dinaanan pako ng masamang tingin bago nagpalit ng reaksyon sa mukha ng bumukas ang kurtina. Artista talaga.
BINABASA MO ANG
My Ex- Boyfriend is a Pop Star [FAN FICTION]
FanficMy Ex- Boyfriend is a Pop Star "Stalker ka na pala ngayon?... Angel." 'Pop Star Artist and Paparazzi Journalist' Two ex-couple designated to meet again after two years. They've been separated many times in their life. Their beautiful history turns o...