EmpathyPinigilan ko ang sarili ko sa pagkatuwa sa kwintas na binigay ni Jon, sabi niya ay sobrang ganda daw nito at bagay sa akin. Alam ko naman iyon siyempre pero iba parin kapag ibang tao ang nagsabi. Kakapasok lang namin dito sa grocery store sa loob ng Mall balak namin bumili ng snacks na dadalhin daw sa 'favorite place' ni mokong. Ang daming alam .. may pa favorite place pa , ako nga school-bahay, karenderia lang madalas puntahan e! Iba talaga pag mayayaman, maarte hehe.
Kasalukuyan siyang nagtutulak ng aming mini cart ako naman ay nauuna maglakad dahil hinahanap ko ang mga chichirya section dito sa loob. Pagkakita ko doon ay kuha agad ako matatamis na chichirya at maalat, may maasim din akong kinuha, pagkadating ni Jon sa likod ko ay tumikhim siya at tiningnan ang mga hawak ko. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Puro chichirya lang bibilhin mo? ayaw mo buong Mall na?" biro niya
"Pwede naman kung ikaw bibili. " Nilagay ko sa mini cart ang mga pinili ko.
"You should buy some foods na mabubusog ka.. like clubhouse sandwhiches, there.." Tinuro niya ang open freezer na hindi gaanong malayo sa amin. "Kumuha ka na din ng drinks natin."
"Osige chichirya, at sandwhich para solve!" sabi ko bago umalis para kumuha doon. Sumunod siya agad sa akin.
"Yeah kase siguro maabutan na tayo ng dinner time don." Tiningnan ko siya, nakahawak ang isang kamay sa cart at isang kamay ay nasa bulsa. Para kaming mag asawa na nagrogrocery' .
Asawa agad? -sabi ng left brain ko. Oo nagsasalita siya sa utak ko.
Pagtapos mamili ay agad na itong binayaran ni Jon at naglakad na kami palabas ng Mall papunta sa motor niya. Planado siguro niya ito kaya siya nagdala ng motor. Inilagay niya ang mga pinamili sa maliit na compartment sa motor niya.
"San nga tayo pupunta?" tanong ko habang kinakabit niya ang helmet sa ulo ko.
"Basta nga..you'll see later" Pa-curious effect naman kahit kailan napaka pacool!
Dumaan ang mga isa't-kalahating oras kaming nagbyahe, unti-unti din lumalalim ang araw at nakailang ikot ikot na kami sa daan. Hindi ko na kilala yung kalsadang dinadaanan namin at umunti na din ang mga sasakyan na nakakasalubong . Madami ng puno at lumalamig ang simo'y ng hangin. Umaakyat ata kami at nakumpirma kolang iyon ng pagka-isang liko niya ay nakita ko na nasa mataas na lugar na kami.
Ang ganda....iyon ang nasabi ko sa isip ko. Sinilip ako ni Jon sa side mirror ng mapansin na hindi ko na inaalis ang tingin sa gilid ko. Tiningnan ko siya at ngumiti kahit mata kolang ang nakikita niya ay ngumiti din siya, napansin ko iyon dahil sa liit ng mata niya malalaman mong ngumingiti siya. Mula kong binalik ang tingin ko sa magandang tanawin. Mga kalahating oras ay nakarating kami sa lugar na may ilang tao ang nakatambay.. ang iba ay mga magkarelasyon, ang iba ay grupo at may dalang speaker na maingay na nagpapatugtog. Akala ko ay ihihinto na niya ang motor para iparada pero umakyat pa siya uli.
Huminto kami sa wala gaanong taong lugar. Mas malawak ang viewspot at tahimik. Bumaba si Jon at inalalayan akong bumaba ng motor. Tinanggal niya ang helmet ko, sinunod niya ang kaniya at inayos ang salamin sa mata. Mas malamig din dito at nanginginig na ako sa ginaw. Humawak ako sa magkabilang braso ko at hinimas ito para mainitan kahit paano. Palubog na ang araw at sobrang ganda nito. Kita ang ilaw sa buong syudad at napakalmado ng langit.
Mga ilang minuto akong nakatingin ay hindi ko napansin na sinuotan ako ng jacket na itim ni Jon hindi niya ito suot kanina kaya siguro'y galing ito sa compartment ng motor niya. Dala ba niya ito lagi..? Siguro'y lagi niya itong bitbit kapag gustong pumanhik dito. Ngumiti ako sakaniya hawak na niya ngayon ang mga pinamili namin kanina. Hinila niya ako at naglakad kami ng unti at may hagdan na gawa lang sa lupa. Siguro'y hinulma lang ng ilang bumibisita dito.
BINABASA MO ANG
My Ex- Boyfriend is a Pop Star [FAN FICTION]
FanfictionMy Ex- Boyfriend is a Pop Star "Stalker ka na pala ngayon?... Angel." 'Pop Star Artist and Paparazzi Journalist' Two ex-couple designated to meet again after two years. They've been separated many times in their life. Their beautiful history turns o...