A/N: Litter Glitter On Grey(The Millenium Series)Check my profile. Promote ko lang uli hehe.. add niyo na :))
Delivery girl
Lumipas ang ilang araw na naging busy si Jon sa panibagong comeback nila. Naglilinis raw sila ng routine dahil nalalapit na naman ang mga live shows nila at kailangang sa pag promote.Magkakaroon din sila ng pomotion sa ibang bansa at malalayo kami ng ilang buwan. Kaya din minadali niya ang pakikibaglikan sakin tsk.. maparaan talaga. Naging abala din ako sa pagaayos ng eatery. Nasiayos ko na ang online website at nagsisimula na ang mga online selling ng pagkain namin.
Malapit na din matapos ang renovation at ang pagbubukas ng night restobar na plano ko. Masaya si Mama dahil natupad ko ang lahat ng plano ko. Hindi ko rin inakala na magiging matagumpay ito.
"Dito Ma'am?" tanong ng isang trabahador habang pinepwesto ang isang napakalaking halaman na pinadisplay ko dito sa indoor ng eatery.
Sinukat ko ito ng daliri ko saka tinantsa kung bagay ba. "Usog pa kuya..oop! Yan sakto." Sabi ko saka pumunta sa office ng eatery. Nakakuha ako ng mga dagdag emplayado na magaasikaso dito sa eatery. Naging patok ang mga offers namin dahil kilala ko ang hanap at takbo ng utak ng mga nagtratrabaho sa mga opisina. Gusto nila ay mura at mabilis dumating. Halos katulad ko din sila na sawa na parati sa fastfood delivery ay naghahanap ng lutong bahay. Kumbaga mga menu na hindi nakakaumay. Kaya naging mabilis at maingay ito, nagpatulong din ako kay Stacy. At nagsend ng mga advertisement photo online sa mga kaopisina ko. Nagforward din ako kay Aaron pero hindi siya nagreply kahit naseen niya naman. Nag react lang siya ng like sa sinend kong photo.
Wow ha?!
"Kamusta?" Nakangiting tanong ko sa emplayado ko na nagmamanage ng online orders. Cindy ang pangalan niya at nahanap ko lang sa isang part time job group online. Nagpasa naman siya ng resume at mga kailangan kong papeles kaya mapagkakatiwalaan naman siguro. Takot niya na lang.
"Maam! Okay po. Two hundred eighty two meals as of this moment." Mas propesyunal pa siyang makipagusap sa akin. Tinapik ko ang balikat niya.
Pumasok ako sa kusina at chineck ang mga empleyado ko doon. Nagsuot ako ng apron at hairnet. Number one rule iyon sa kusina ni mama. Maging malinis.
"Bat ka nandito anak?" Tanong ni Mama habang naggigisa sa lutuan. Tumulong na siya ngayon dito, ilang araw bago nakaadapt sa busy at madaming orders. May mga helper naman siya pero kumuha pako ng ilang crew na tutulong at nagdagdag ng kayang magluto. Recipe ni Mama ang ginagamit sa lahat. Tuwing linggo ay half-day ang eatery pero mula ngayong linggo ay open na ito 24 hrs. Dahil bubuksan ko na ang nightbar sa sabado ng gabi.
"Tutulong.." Sinenyasan ko ang isang crew na ako na magluluto ng niluluto niya. Inabot niya sa akin ang tiyanse at inutusan ko siyang iabot ang ilang sahog. "Anong dish ba ito?" Tanong ko habang naggigisa na.
"Silinigang po." Spicy sinigang na pinauso ni Mama. Medyo sakto lang naman ang anghang nito, ginisa nga lang ang rekados kasama ang sili sa umpisa.
"Nauna ka ng magluto bago magtanong hays ganiyan ba ang mag-aasawa" Napailing si Mama.
"Magaasawa ka na Maam?" Buyo ni Bobot.. taga luto din.
"Woww! Congrats po."
"Sino po ba iyan?!" Tanong nila dito sa kusina.
Tumawa ako. "Mga chismosa!" Sinamaan ko ng tingin si Mama na nagpasimula nito
"Si sir Jon Dale po ba ang fiancee niyo?" Tanong ng Vany, pinakabata kong service crew. Gulat ko siyang nilingon. Siguro madalas ito sa internet. "Sorry po.."
BINABASA MO ANG
My Ex- Boyfriend is a Pop Star [FAN FICTION]
FanfictionMy Ex- Boyfriend is a Pop Star "Stalker ka na pala ngayon?... Angel." 'Pop Star Artist and Paparazzi Journalist' Two ex-couple designated to meet again after two years. They've been separated many times in their life. Their beautiful history turns o...