Fan
"Cindy.. ayusin mo yung photos ah. Gusto ko postable iyan dahil need yan ma feature sa online feed."
"Yes po." Tumango ito saka muling nagpatuloy sa pagaayos ng baterya ng mga camera.
Alas dos na at nangangatog na ako sa pagka taranta . Unang beses kong mag launch ng ganito. Maingay na din ang eatery ni Mama. Bukod sa nagtrabaho ako noon sa isang news company ay maingay ang pangalan ko bilang fiancee ng isang sikat na PopStar. Si Jon Dale at ang pamilya niya ay pupunta dito. Ganoon din ang kamag-anak ko sa side ni Papa at Mama. Ayaw kong mahusguhan ako sa maling paraan kaya dapat maging maganda ang kalababasan nito.
Nagtext kanina si Jon na madadala niya ang anim na kagrupo. Iyong mga pinakaclose niya. Dadagsain ang mga ito mamaya kaya hindi ko inanunsyo na darating sila. Maganda na iyung asahan lang nila na si Jon lang ang aabangan. Halos puro kamag anak at kakilala lang naman ang pupunta at kung may ibang bibisita na customer ay swerte nila.
Inanyayahan ko din si Aaron sinabi kong pumunta siya kung gusto niyang magsorry saken. Hindi ako nireplyan! Siya pa talaga ang may ganang magalit saakin. Kapal ng mukha non. Gusto ko lang naman na marinig ang dahilan niya. Siya na nga ang binibigyan ng tiyansa. Tsk.
Libre ang pagkain pa naman mamaya sa restobar sayang siya...patay gutom pa din naman iyun. Dibale na nga saka ko na siya iisipin. Marami pa akong bagay na kailangang ayusin.
Alam ko sa lahat ng nangyayari ngayon ay natutuwa si Mama. Para sakaniya ito eh pero ngayon para sakanilang dalawa na ni Papa. Napilit ko itong magresign na sa trabaho kapag nag 55yrs old. at tumulong nalang siya dito kay Mama sa eatery. Ayaw kong sayangin niya ang natitirang buhay para bumawi sa akin. Gusto kong bigyan siya ng tiyansa na bumuo ng marami pang memorya kasama si Mama. Bumawi siya dito at masaya na ako doon.
"Ma'am andito na po yung kaibigan niyong si Miss Stacy Castro."
Napakaaga naman niyang dumating ala-singko pa ang simula. Lumabas ako ng kusina at sinalubong ang kaibigan ko. Bumeso ito sa akin at nagaalalang tumitig. Gets ko na ang tingin niya. Hinahanap niya si Aaron.
"Wala akong balita don.. inimbitahan ko siya ewan ko kung pupunta." Sagot ko.
"Dibale na nga saka ko na siya proproblemahin.. pupunta daw iyung kagrupo ni JD?" pangungulit nito.
Napailing ako saka natawa sa mabilis na pagbabago ng mood niya. Kanina ay malungkot pang umaasa na sana nandito si Aaron pero dahil sa away namin ay impossible iyon. "Secret.." sagot ko saka inayos ang bulaklak sa lamesa.
"Ihhhhh! Ano nga?!! Type ko yung KM!"
"Hala type ko din yun nung una kong makita hahahahah!" pagsangayon ko.
"Oh diba! Tangkad kase saka moreno hihi!"
"Oo! Parang Lee Min Ho vibes nga iyung si KM ahahahaha!" natatawang sagot ko.
"Mare!!!" ngumuso ito sa likod ko. "jowa mo!" pabulong na asik niya. Lumingon ako.
"Lee min ho huh?!" pinangsingkitan niya ako ng mata. Selosong Jon Dale.. walang bago.
"Love!!! Hi!!!" Kiniss ko ang pisngi niya para hindi magtampo.
"O my God!" Si Vany na nasapo ang bibig. "Carats po ako!!" Pilit na nginitian ito ni Jon. Carats iyung fandom name nila. Talagang tinotoo ng batang ito ang pagpunta ngayong opening para sa idolo. Hindi niya alam ay dadating ang iba pang kagrupo ni Jon.
"Yare ka sakin mamaya." Bulong niya saakin at nang magpapicture si Vany ay lumapit ito doon. Iniwan ko muna siya saka sinamaan ng tingin si Stacy.
"Malay ko bang nandun." sagot niya. Pumunta akong muli sa kusina at nakabuntot si Stacy. Nagluluto sila ng bagong menu na pinauso ni Mama para sa restobar. "Hi Tita!"
BINABASA MO ANG
My Ex- Boyfriend is a Pop Star [FAN FICTION]
FanfictionMy Ex- Boyfriend is a Pop Star "Stalker ka na pala ngayon?... Angel." 'Pop Star Artist and Paparazzi Journalist' Two ex-couple designated to meet again after two years. They've been separated many times in their life. Their beautiful history turns o...