Chapter 31- Horror

21 3 1
                                    

-mcleyyii: 'Promise maganda iyong The Millennium Series check niyo na please :(((((( charot nagmakaawa HAHAHAHAHAHHA'








Triggered


Nakakainis na nakakatuwa! May nag leak ng video nung unting acting scene namin kanina ni Jon sa show. Nagtrending ito sa internet na gusto nilang mapanuod ang buo. Ang daming pumuri sa akin. May mga nagcontact na kay Jon na manager na gusto akong kunin. Pero ang totoo isa lang talaga ang nagcontact at OA lang ako. Nakakatuwa kase may mga naexcite pero pinadelete na iyon sa internet pero siyempre mabilis na ang lahat ngayon isang click lang may kopya na. May mga nagsabi na ang galing ko daw pero siyempre may mga nagseselos pa rin na fans ni Jon. Wala naman akong pakailam sakanila, bahala sila diyan.

Naiinis lang ako dahil walang binabanggit si Jon patungkol doon. Siya naman ang dahilan bakit ko nagawa iyon eh. Isip bata na naman ako sa naiisip ko ngayon kaya nanahimik nalang ako dito sa kotse.

"Love!!" Napaigtad ako sa gulat ng sumigaw si Jon. Nagtatawanan sa likod ang apat na kaibigan niya.'

"Ano?! Bat ka sumisigaw!" Nakakunot- ang noo niya at medyo masama ang tingin sa akin.

"Kanina pa kita tinatawag. Saan mo gusto kumain?"naiinis na sagot niya.

"Kahit san."

"Anong kahit san? May kainan bang ganon ang pangalan." May kasamang pagkairita sa tono niya. Naiinis siya dahil hindi ko siya narinig. E ano naman. Babaw naman niya mainis.

"Ewan ko.. ikaw bahala." naiiritang sagot ko. Lalong kumunot ang noo niya.

"Tsh.." Inihinto niya ang kotse at humarap sa akin.

"ooahhh.."

"huy.." sita ni DK kay Hoshi.

"War mode."-SK.

"Sino bang iniisip mo?!" galit na tanong ni Jon sa akin.

"Huh?! Anong pinagsasabi mo.." sagot ko. "Pagkainan lang usapan tapos ganiyan ang tanong mo."

"Masyado kang lutang eh." Humarap na ito sa manibela at inistart na muli ang kotse.

"Nagagalit ka na niyan?" naiinis na asar ko. Sinamaan niya ako ng tingin. "Babaw.." bulong ko pero narinig niya.

"Really? Ikaw napaka unreasonable mo." mababang tonong sagot niya. "Magbabanggit lang ng kainan hindi pa makapagbigay."

"Ako lang ba tao dito Jon? Sabi ko kahit saan nga diba.Bakit nagagalit ka?" napasinghal ako saka napatingin sa mga kaibigan niya. "Pasensiya na..."

"Huwag kayong magaway noon-.." Lee Chan.

"-Shut up kid." Jon.

Napasapo ako sa noo ko. "Iyang pasensiya mo! Nakakainis!" Dinadamay pa talaga ang bata sa pagkairita niya. Parang tatay talaga ugali niya, napakabilis magalit!

"Then act normal." Huh!!

"Normal? Ihinto mo yung kotse abnormal pala ako eh!" Tinaggal ko iyong seatbelt ko. Nagulat ang apat sa likod. Medyo natawa ang isa sakanila ng banggitin ko yung normal. Hindi ko lang alam kung sino. Hindi hininto ni Jon ang kotse kaya mas nainis ako. "Ano?! Ihinto mo! Para kang lolo magisip, napakaikli ng pasensiya mo lagi!" Noon pa man ganiyan na talaga siya. Mabilis magalit.

"I-I.. don't want." naiilang na sagot niya.

"Bakit?! Bawal abnormal dito eh.. ibaba mo na ako! Magta-taxi nalang ako pabalik." Pakiramdam ko nasa bandang cavite na kami ata. Padiretso na ito ng tagaytay. Bahala na kung magkano ang magastos ko pauwi, nakakainis talaga ang Jon Dale kung minsan. Nakakahiya pa sa mga kagrupo niya.

My Ex- Boyfriend is a Pop Star [FAN FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon