Chapter 3

54 4 4
                                    

Fast

"Tulala mare ?!"

Nakasalumbaba akong nakakatutok sa electric fan sa loob ng aming klasroom. Lutang ang isip ko at naglalakbay sa san mang dako ng labas ng mundong ito.

"Huwag kang magulo at may iniisip ako.." sabi ko kay Stacy. Kakatapos lang ng aming first subject ngayong araw, walang rehearsals ngayon. Mabuti naman.

Pagtapos ng nangyare kahapon, maraming nagaabang na sabihin ng Watson na iyon na biro lang sinabi niyang nobya niya ko, o kaya nantitrip lang siya o kaya sabihin niya "it's a prank!"
Pero wala! Okay pa sanang sinabi niyang katulong lang eh , depungal.

"Ano ba iniisip mo ?" panggugulo ni Aaron , kanina pa pala siya nakatitig sakin hindi ko lang pinapansin.

"Baka iyong kapitbahay niya! AHAHAHAHAH si JD!" pasigaw na sabi ni Stacy

"Ang ingay ng bunganga mo!" sinampal ko ng notebook na nasa lamesa ko ang bibig niya.Iyon ang nadampot ko eh -.-

"Aray ko naman mare!!" hinampas niya ang braso ko, tapos ang isa ay nakahawak sa pisngi niya.

"Bat mo naman iniisip yun? Sabi mo dugyot naman iyon.. Kras mo ba ?" - Aaron

"Hibang ka ba ! Naguguluhan lang ako bat kase kailangang magbitaw ng salita na ganon eh hindi naman totoo!!" Pinangsingkitan ako ni Aaron ng mata na parang sinasabi niya sa utak niya 'Wehh sus?'. " Baliw kayo ni Stacy magsama nga kayo!!"

Tumayo ako. Masyado nakong naprapraning,kailangan ko magising. Naglakad ako papunta sa banyo, naghilamos ako ng mukha ko at tumulala na naman sa salamin.

Hindi naman ako sobrang ganda pero hindi rin ako sobrang pangit , maputi ako dahil maputi ang nanay ko at tatay ko. Medyo matangos ang ilong ko pero nakakatakot ang malalim at singkit kong mata .

Nakakatakot kase bilog na bilog talaga ang itim na mata ko!  Kaya impossibleng magkagusto naman sakin iyon! Sabi ko sa isip ko. Pinapaniwala ko nalang ang sarili ko na baka gusto niya lang na pagka-initan ako ng mga babae niya! Pero bakit naman niya gagawin iyon? Hindi naman kami close.

Psh! Bakit ko ba siya iniisip?! "Baliw ka na talaga Sophia.." bulong ko sa sarili ko,naghilamos nalang ako uli..

"I swear! pag nakita ko siya mamaya girl , Hindi ko alam kung anong gagawin ko sakanyaaa!!!" -girl ewan1)

"True! I hate her.." -girl 2

"Oh she's here naman pala e!!" -Hulyieta saka ko nilingon sa salamin, ako pala ang pinag-uusapan nila? hindi ako aware.

Masama ang tingin sakin ng tatlong babae na kakapasok lang dito sa banyo. Si hulyieta ay naka crossed-arms at nakataas ang kilay sa akin.

"Anong ginagawa mo dito sa banyo ?!" -girl 1

"Ano bang ginagawa dito sa banyo?" sabi ko
Tinaasan ko din sila ng kilay. Kala niyo kayo lang may kilay? Bobo naman.

"Probably nag reretouch ?! As if naman na totoong girlfriend ka ni JD para magpaganda ka pa dyan! Hello?!" girl 2 Hello din?

"So nag a-assume ka na ngayon diyan ? Wag kang feeling ha ?! Hindi kayo bagay!" -Hulyieta

"Mukha ba kong nag a-assume? Wala nga akong pake ron e . Daig nyo pako.. dami niyong time magka pake ha?!"

My Ex- Boyfriend is a Pop Star [FAN FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon