Note
Dumating ako sa school namin ng lutang, hindi ako gaano na kinausap ni Jon sa byahe hindi ko naman na siya gaano kinulit, magmula nung umamin na siya sakin ay nagiba ang pakikitungo ko sakanya..dala na rin siguro ng naweiweirduhan ako sakanya. Sinabi niya lang sakin kanina pagkababa ng jeep ay basahin ko daw iyong note sa regalo niya, tapos umalis na siya agad at dumiretso sa silid nila. Weirdo talaga. Umiling nalang ako at nagkibit-balikat.
Buong umaga ay puro lang kami gawa ng props at sukat sa mga gaganap na artista sa play. Samantalang sila Jon naman ay nasa kabilang silid at nag re-rehearse. Si Stacy lang madalas kong kadikit ngayon na kung saan saan din napapadpad dahil hindi mapirmi . Si Aaron ay nagprapraktis ng sayaw. Binati lang nila akong dalawa ni Stacy kaninang umaga at nagplano sila na lumabas daw kami mamaya. Tinanggihan ko naman sila dahil alam kong pare pareho kaming pagod mamaya. Gandang pa birthday naman nito sakin. Tamang serbisyong-katulong lang ganon. Joke!
"Stacyyy, ilang oras na tayo dito kain na tayoo" niyugyog ko ang balikat ng kaibigan ko na nanatiling nakasalmpak sa sahig habang nagtatahi. Kakagutom naman na, mag a-alauna na ng hapon hindi pa kami nag tatanghalian.
Inismiran ako ni Stacy at tumayo na lang din. "Kanina ka pa nga nag snack dyan eh..hindi ka pa na-busog." Nginiwaan ko siya. Sinong mabubusog sa mga chichirya at biscuit. Kumawit siya sa braso ko. "Paalam na tayo tapos puntahan na natin si Aaron." Excited na sabi niya.
Pagkapaalam namin ay pinayagan na din kami. Suntukin ko lang sila kung di kami payagan niyan. Overwork na kami kaya dapat overpay na din ito... sa grades. Pinuntahan namin si Aaron sa labas na hataw na nagprapraktis. Ang init init naman ng pinagprapraktisan nila. Mangingitim lalo yung mokong na ito.
"Hoyy!! Galing ah" sumipol ako. Nagulat na tumingin si Aaron sa amin, ngumiti si Stacy at inaya siyang kumain. Nagpaalam na din siya agad, hindi pa sya agad pinayagan ng nagtuturo na taga section nila Jon pero ewan ko kung ano sinabi ni Aaron at hinayaan siya. Tumakbo na agad samin si Aaron at umakbay sakin. Hindi ko naman inalis kasi ganyan naman siya lagi. May mga nagbulungan sa paligid pero wala naman akong pake as usual. Bata pa kami ay magkaibigan na kami ng Aaron, si Stacy naman ay nitong highschool kolang naging close. Sila lang ang madalas kong nakakasama dahil hindi naman ako magaling makipag plastikan sa iba lalo na sa babae. Wala din preno ang bibig ko kaya't siguro iilan lang ang kaya ako i-close dahil hindi ko sila kaya plastikin.
Naglakad na kami papunta sa canteen, sinabi ko ang gusto kong kainin at umupo sa lamesa namin, si Aaron daw ang oorder at nagpresinta si Stacy na tutulong , libre nila dahil birthday ko raw. sana araw araw bday' . Hindi pa umiinit ang pwetan ko sa upuan ay may naupo sa tabi ko. Amoy palang alam ko na. 'amoy baliw.
"Kakain ka ng hindi ako kasabay." Gulat na tinaasan ko siya ng kilay. Bakit ba ako natatameme pag nantitrip tong kupal na to. Hindi pa ako nasasanay sa pagbabago niya. "I saw you." Nilagay niya ang isang kamay niya sa upuan sa likod ko, na parang nakaakbay sya sakin, humarap siya sa akin ng bahagya at tinitigan ako. Tinitigan ko siya pabalik. Magkasama kami ng nilalang na ito kanina diba? Pero bakit parang ang tagal kong hindi nasilayan ang mukhang ito?
"Ahh ..hindi kita nakita." pagsagot ko sa tanong niya. Umiwas ako ng tingin at napatingin sa mga nagmamasid sa amin, siguro'y nagtataka bakit ganito ang posisyon naming dalawa. Pero wala naman akong pake, tiningnan ko nalang ang kuko ko.
"Malamang." Inalis niya ang kamay niya sa likod ko at pinagkrus ang braso sa dibdib, nanatiling nakatitig sa akin ng masama. "Simula ngayon magpapaalaman na tayo kapag kakain." Utos? Naguutos siya. HIndi sya nagtatanong!
BINABASA MO ANG
My Ex- Boyfriend is a Pop Star [FAN FICTION]
FanfictionMy Ex- Boyfriend is a Pop Star "Stalker ka na pala ngayon?... Angel." 'Pop Star Artist and Paparazzi Journalist' Two ex-couple designated to meet again after two years. They've been separated many times in their life. Their beautiful history turns o...