LoveNatapos maglesson ang teacher namin sa Math ng hindi umiimik si Aaron, isinantabi ko ang pagiisip ng kung ano dahil, hindi naman iyon ang tamang oras para magdaldalan ngunit nung may kailangan kaming sagutan sa papel ay hindi siya nanghingi ng papel sa amin. Nagulat nalang ako ng aabutan ko sana siya ng papel ay nagsusulat na siya. Doon ko napagtanto na may kakaiba sa kinikilos niya. Magkatext naman kami nito noong umaga baka siguro pagod lang talaga siya. Pagkukumbinsi ko sa aking sarili.
Pagkalabas ng aming teacher sa Math ay agad ding pumasok si Maam Grace, iyong teacher namin sa english at ang isa sa pasimuno ng theatre play taon-taon. May dala siyang visual aids na pinagsusulatan niya ng mga lesson. Kahit ang pinagkaka-abalahan na namin ngayong buwan ay puro sa play' ay talagang magtuturo pa rin siya!
Gaya ng nakasanayan ay naguusap muna ang klase tungkol sa updates at progress ng aming play, tinanong niya ang mga ina-assign na leader ng props , ng sayaw , ng kanta at iilan pang namumuno sa buong produksyon.
"Gusto kong makita ang sayaw niyo bago tayo magsimula sa Stage rehearsals.." sabi niya kay Desiree, miyembro ng dancers para sa play, isa siya sa nagbabantay sa mga kaklase ko tuwing practice nila ng sayaw. Ang mga leader nila ay taga section nila Jon. "-dapat ay sabay sabay na kayo ha, nakakahiya kay Sir Dante!" pagpapatukoy ni Maam Grace sa kapwa guro na gumanap na direktor ng buong play.
Nung una naexcite-excite pa ang mga estudyanteng nakasali sa buong play. Tatlong section lang kase ang nakabilang dito. Ang section nila Jon na nasa higher section, kela Trinity na nasa gitna lang at kami na nasa lower section. Taon-taon may pa ganito bilang kasali na rin sa tradisyon ng school. Fourth-year ang nasasangkot dito , pansali na din sa yearbook na makukuha sa ngayong huling taon namin ng highschool.
Maraming ibang section ang nagsasabi na swerte raw kami , dahil kasali kami sa play. Maswerte siguro para sa mga gaganap pero para sa amin na focus lang namin ang props at ang pagtayo-lakad sa dulo ng palabas ay... mga mare wag na lang oy!'
"Kamusta naman ang mga costume.. ibang background at props?" diretsang tanong ni Maam kay Emily na isa sa namamahala ng props.
"Ma'am halos patapos na po , isusukat nalang ng mga actors iyon at titingnan kung may kailangang baguhin pa. "
"Hmm okay.. We already decided kung anong isusuot niyo sa dulo. Siyempre it has to be unifrom and connected to the Play.. here is the illustration" Naglahad si Maam ng isang cartolinang puti na nakarolyo, inabot niya ito sa kaklase kong lalaki sa harap. Sinenyasan niya ito bago buklatin. "So as you can see.. it's black on the top and just wear yung black niyong p-e jogging pants, para hindi na kayo bumili.. Ang tanging gagawin niyo lang ay itong design , well you can all do it alone in home " Tumango ang mga kaklase ko at tinandaan ang disenyo. Ang ilan ay lumapit pa para i-drawing. Medyo nagka-ingay na kaya ipinaling ko ang ulo kay Aaron. Ito na ang tiyansa ko para makausap siya kung may problema ba siya.
"Aaron.." tawag ko, dahan-dahan siyang bumaling sa akin. Nagaantay ng sasabihin ko. Ano nga bang sasabihin ko sa kaniya? Wala naman talaga akong sasabihin pero gusto kong malaman kung okay lang ba siya..? Baka may bumully sakaniya! Try ko bang itanong kung bakit wala siya sa mood kanina pa. Pero ang awkward naman non. Kilala ko kase ito, tahimik lang ito pag tulog. Ngumiti ako sa kaniya ng nakakaloko, sinusubukang pagaanin at gawing normal . "Tara, bili tayo pagkain sa labas.." pag-aya ko nalang. "Hindi ka pa kumakain diba? saka nagugutom na din ako.." Hindi siya sumagot at nanatiling walang reaksyon. "Tara na.. paalam na tayo, kunware magbabanyo ulit" Ganon lagi ang ginagawa namin kapag gusto kong bumili ng pagkain, si Stacy ay hindi madalas sumama dahil ayaw magpa-miss ng klase.
Tumaas ang dalawang kilay ko at bahagyang nanlaki ang mata ng ngumiti siya. " Sige." Ngumiti din ako bago siya hinila patayo. Natuwa ako sa isip ko dahil na-kumpirma kong wala naman siyang problema.
BINABASA MO ANG
My Ex- Boyfriend is a Pop Star [FAN FICTION]
FanfictionMy Ex- Boyfriend is a Pop Star "Stalker ka na pala ngayon?... Angel." 'Pop Star Artist and Paparazzi Journalist' Two ex-couple designated to meet again after two years. They've been separated many times in their life. Their beautiful history turns o...