A/N: You thought this is just a cute fanfiction lovestory but nahhh... Plot twist 😈
(Litter glitter on grey) is more complex please add to cart na sa library niyo hehe 😈Acting
Ilang linggo ang nakalipas at naging dagsa ang customer at bumibisita sa SilvaEats. Naroon nga't dinadayo ang mga frame ng litrato na dinisplay namin kung saan nandoon ang ibang miyembro ng SVT. Naging sikat ito sa publiko dahil sakanila.Umangat ang sales dahil don. Kaya hindi ako magkamayaw sa pasasalamat. Kumalat din ang balita na ikakasal kami ni Jon Dale, marami ang nangbabash pero mas marami ang nakasuporta. Wala silang magagawa dahil nasa tamang edad naman at isip si Jon Dale. Hindi ko pa rin sila masisisi dahil kahit sinong may idolo na malamang ikakasal ay masakit iyon sa pakiramdam.
Bukas ang alis nila Jon Dale para sa Asia Tour nila. Gustuhin niya mang samahan ako magdamag ngayon ay hindi pwede. Dahil may prior commitment sila sa isang show na kailangan sa promotion.Napagdesisyunan niyang isama nalang ako sa mga lakad nila ngayong araw hanggang gabi. Dahil ang flight nila bukas ay madaling araw. Wala na siyang oras makita pa akong muli. Eto't nagmamadali na ako dahil anytime nandito na si Jon para sunduin ako. Komportableng damit lang ang sinuot ko dahil manunuod lang naman ako sa mga shows nila. Magaabang sakaniya. Ang sabi ko kapag hindi pumayag ang manager niya ay huwag nalang akong sumama.
Habang nagsusuot ako ng pantalon ay pumasok si Jon ng hindi kumakatok. Nagulat ako siyempre. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Hobby mo na talagang hindi kumatok sa kwarto ko noh?!" Lumapit ito sa akin saka humalik sa pisngi. Pinagpatuloy ko ang pagsusuot. Binilisan ko ito dahil naiilang ako sa mga tingin niya.
"Sorry.. bat hindi ka kase naglolock?" Nakaupo na siya ngayon sa tabi ko sa kama.
"Ako lang naman tao dito." Tumayo ako para kunin ang medyas at sapatos."Pumayag ba ang manager niyo?" Siya ang todo pilit na sumama ako. Wala naman akong hiya pero kung makakasama sa kaniya ang pagsama ko ay huwag na lang.
"I don't care. Malay mo pasukin ka dito. And yes pumayag."
"Sino namang papasok? Katulad mo tsk." Tumayo ako saka sinita ang sarili ko sa salamin.Nang masatisfied ay binalingan ko siya."Tara na."
Umalis na kami ni Jon at byumahe.
"Paano mo napapayag ang manager niyo?" Mukhang masungit pa naman iyon nung una kong nakita. At alam ko ayaw nun sa mga pagsuwail ni Jon Dale. Ito pa kayang pagsama niya sa akin sa prior commitment nila. "Open naman na siya sa relasyon natin. He doesn't have a choice anyways.." walang pakailam na sabi nito habang nagmamaneho.
Oo nga wala na talagang choice dahil alam na ng publiko. Wala na ring magagawa ito dahil hindi naman nagpapaawat si Jon Dale.
"Saan pala tayo patungo ngayon?"
"It's a tv show. Kilala mo ang host." sabi nito sa akin saka ako ngumisi. Si Stacy malamang ang tinutukoy niya. Dahil host iyon ng isang show na nag guest ang mga celebrity para mag promote.
"Talaga haha.. tapos saan next?" Alam ko meron pa silang pupuntahan pagkatapos non. Nabanggit niya sa akin na malayo daw.
"Sa Tagaytay.. there's a set-up there also by a show. May games ata or what. Hindi ko alam." Naiiritang sagot niya. Napakaikli talaga ng pasensiya. "Basta.. Love you know that show."
"Hmm.. parang may alam nga akong ganiyan. Yung maglalaro kayo tapos iinterviewhin." Lahat ng ginagawa nila parang reality show lang na vinivideohan. "Recorded show naman kayo lahat today?" pagtatanong ko uli.
BINABASA MO ANG
My Ex- Boyfriend is a Pop Star [FAN FICTION]
FanfictionMy Ex- Boyfriend is a Pop Star "Stalker ka na pala ngayon?... Angel." 'Pop Star Artist and Paparazzi Journalist' Two ex-couple designated to meet again after two years. They've been separated many times in their life. Their beautiful history turns o...