Before anything else belated happy birthday to my jeonu~ saranghamnida oppa! hihihi saeng-il chukha hae! <3
Considerate
"Ayokoo ngaa!! bahala ka hindi nalang ako sasama sayo!"- Bumuntong hininga ako ng malalim, nagulat ako paglabas ko ng bahay ay may nakaparadang motor, sabi ni Jon ay iyon daw ang gagamitin namin para hindi hassle. Eh kung mamatay ako ng maaga habang buhay kong i hassle dahil mumultuhin ko siya arawaraw.
"I'm a good driver. I really swear. Ligtas tayo sa lahat ng destinasyon natin ngayong araw." Sumbong ko kaya to kay Mama, ang kulit amp.
"Good driver pinagsasabi mo diyan, never pa nga kitang nakitang magdrive eh! At san ba galing yang motor na yan ngayon kolang nakita ah!" Pinagkrus ko ang braso sa dibdib ko, kanina ay medyo hinihila pa niya ako pero sinamaan ko siya ng tingin kaya't tumigil na din siya.
Bumuntong hininga ulit sya at magkadikit na kilay na pumikit ng mga dalawang segundo at dumilat ng diretsong tingin sa akin. Halatang nagpipigil ng pasensiya. Haynako pag sinabi kong ayoko, ayoko kahit sino pa nagpipilit, wala akong paki. Kung gusto niya ay siya mag motor at ako mag jeep.
"I'm using it whenever I want to. I stop using it in school , dahil nag jeep kalang din." Napanganga ako at nanlaki ng mata. Nakakagulat na may mga desisyon pala siyang tinatago na ganito at bahagi ako ng ilang desisyon na iyon...
Parati nalang niya ako sinusurpresa araw-araw. Marami akong hindi pa nalalaman na mga ganitong kaliliit na bagay pero malaki na ang epekto nito sa akin. Bukod kay Mama ay wala naman gaanong tao ang nakapagparamdam sa akin na mahalaga ako. Masarap sa pakiramdam... lalo na kung espesyal na tao ang nagpaparamdam sa iyo ng mga ganoon.
"Hey..ayaw mo ba talaga? Okay..It's fine if you don't want to. Mag-commute nalang tayo."Tatalikod na sana siya pero hinila ko ang braso niya. Aish! Ayoko talaga mag motor.. dami ko nababalitaan na sumemplang diyan eh, meron pa nga't nakaraan lang sa kanto sa school.
Nagtitigan kami, inaantay niya ang sasabihin ko. Ang mga mata niya ay parang nagmamakaawa na pleasee sige na pumayag ka na. Papayag ba ko? Napakasimple naman ng pinoproblema namin. Ang arte ko ba? Ano ba yan... Sige na nga motor lang naman, pag namatay edi bye.
"Magmotor ka, mag jeep ako. Kita nalang tayo don." Napatagilid ang ulo niya halatang nabwebwesit na naman hahaha. Ang kyot. Sisigawan na niya ako in 3..2..
"No. Let's ride in that jeepney together." I smiled. Sa isip ko ay tinetesting kolang naman kung gaano ka dami ang pasensiya niya sa akin.
"Joke lang tara na nga.. asan ang helmet" Kinuha ko ang helmet na isa na nakapatong sa motor at isinuot. "Paano ba ito nilaa-lock,, lock mo nga siguraduhin mong safe yan ah, susumbong kita sa Mama ko. " I joke to ease him a bit. He just laughed and then help me with the helmet.
"Are you sure?" Tumango ako ng ilang ulit. " I'm a safe driver 14 yrs old palang natuto na ako. Bigay ni papa iyong motor." Papa niya.. oo nga pala hindi pa ako nakakapagtanong about sa papa niya. Magtatanong sana ako pero lumabas ang ina namin pareho galing sa bahay namin habang nagkwekwentuhan.
"Ohh aalis na kayo?" Tanong ni Tita Jen. Nakangiti sila pareho sa amin. Nakaharap na si Jon sa kanila .
"Yes Ma, We'll use the motor po tita." pagpaalam ni Jon kay Mama. Ngumiti si Mama at tumango.
"Oo nasabi nga ni Jennifer, alam ko naman maayos ka magdrive, doble ingat nalang kayo ha at umuwi ng maaga." Malaki ang ngiti at tumango si Jon. Ngumuso ako kay Mama, dapat hindi nalang siya pumayag eh. "Sophiaa wag pasaway haa.." Pinandilatan ko siya.
BINABASA MO ANG
My Ex- Boyfriend is a Pop Star [FAN FICTION]
أدب الهواةMy Ex- Boyfriend is a Pop Star "Stalker ka na pala ngayon?... Angel." 'Pop Star Artist and Paparazzi Journalist' Two ex-couple designated to meet again after two years. They've been separated many times in their life. Their beautiful history turns o...