A/N:Special Thanks sa gumawa ng cover photos. Follow her please, ganda din ng stories niya! ZiaMiraCala Thank you bb! Mwa!!
First
Thursday ngayon at sabay kaming naghahapunan kasama ang mag-inang Watson. Katabi ko si Jon at kaharap namin ang mga ina. Mga ilang minuto na rin ng magsimula kaming kumain. Napagusapan namin ang musical play na gaganapin bukas. Hindi ako kinakabahan para sa sarili ko pero sinulyapan ko si Jon. Gusto ko malamang ang opinyon niya patungkol roon.
Nagtanong si Mama sa kalagitnaan ng paguusap.
"Eh.. kinakabahan ka ba Jon dale?" Pumikit muna ng dalawang beses si Jon bago ngumiti at sumagot.
" Na pre-pressure lang po ng kaunti but I can handle." sabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa ibabaw ng hita niya. Nagpalitan kami ng tipid na ngiti.
"Oww hahaha anak ko yan eh!" bilib na sabi ni Tita Jen. "Anong oras ba kami uli pupunta don."
Ako ang sumagot. "Kahit mga alas tres nalang po, para di kayo maubusan ng upuan."
Four pm pa ang simula ng play hanggang 7 pm. Kaming mga kasali roon ay maagang pinapapunta. Naunang umuwi si Tita Jen sakanila dahil magpapaalam siya na mag half-day siya bukas sa trabaho. Naiwan si Jon sa sala. Pagkatapos namin magligpit ay agad ko siyang dinaluhan. Nakatulala lang siya at tila malalim ang iniisip.
"Okay ka lang?" Bahagya pa siyang nagulat nung nagsalita ako. Wala talaga siya sa wisyo.
Ngumiti siya at tumango. "Hatid mo ko sa labas?" Ani niya. Hinawakan niya ang kamay ko bago kami tumayo. Nagpaalam siya kay Mama at sabay na kaming lumabas ng gate. Kala mo sobrang layo eh noh.
Pinagkrus ko ang braso ko ng maghiwalay na ang kamay namin."Sabihin mo sa akin kung kinakabahan ka, promise secret lang natin." Tumawa siya at ginulo ang buhok ko.
"Oo na.. Natatakot lang akong magkamali." Inalagay niya ang tirang buhok sa gilid ng tenga ko. "Baka kase.. you know? Mamaya ay sa sobrang kaba ko pumiyok ang boses ko o kaya'y makalimot ng linya." Hinawakan ko ang dalawang kamay niya.
"Alam mo bang sobrang galing mo? Hindi ka naman mapupunta diyan kung hindi mo kaya. Lahat ng oras mo ay ginugol mo diyan e. Tsk! Papanuorin ko lahat ng galaw mo ha. Kaya dapat wag kang magkakamaling magkamali!" Napakatalentado niya. Marunong siyang umarte, sumayaw at kumanta! Alam ko na kung may mangyayari mang hindi maganda ay hindi kakayahan niya ang dahilan non.
"Hirap naman non." natatawang sabi niya. "Sorry." Umangat ako ng tingin. "Pagkatapos ng play. Sayo na muli lahat ng oras ko." Ngumiti ako.
"Baka magsawa ka naman niyan agad?" biro ko.
"Tss sa sobrang gusto kita, magsasawa pa ba ako non."
Umiling ako. Bolero. "Galingan mo nalang bukas. Ikaw lang ang papanuorin ko." Impossible yon pero sinakyan niya naman ang sinabi ko.
Musical Play
Napakabusy ng lahat. Ang mga sasapak sa stage at sa baba ng stage ay kanya-kanyang nagaayos sa silid. Kami namang props team ay nakasuot na ng itim na may design na sinabi ni Maam Grace nung nakaraan. Lalakad lang naman kami sa ilang scene at magbubuhat at magdadala ng ibang props. Sabay kaming nagpunta ni Jon sa school. Naghiwalay lang kami pagkarating dito. Nakita ko na si Aaron kanina na naka brush-up ang buhok. Si Stacy ay tinigilan muna ang pangchichismis dahil maraming inuutos sa amin ngayon.
Nagtext si Mama sa kalagitnaan ng pagaayos ko ng inuutos sakin ng dress tech coordinator.
Mama:
BINABASA MO ANG
My Ex- Boyfriend is a Pop Star [FAN FICTION]
FanfictionMy Ex- Boyfriend is a Pop Star "Stalker ka na pala ngayon?... Angel." 'Pop Star Artist and Paparazzi Journalist' Two ex-couple designated to meet again after two years. They've been separated many times in their life. Their beautiful history turns o...