Bye
Nakita kong kumuyom ang kamao niya. Umiwas siya ng tingin sa akin. Pumikit ako ng mariin. He's mad. Sobra. Kahit sino namang karelasyon na mahalikan ng iba ay magagalit. Hindi ko alam kung paano siya papakalmahin. Noon palang, taon ang makalipas na nagsend si Trinity ng litrato namin ni Aaron na magkayakap ay nagalit siya ng malala. Lalo na siguro ngayon, na hinalikan pa ako.
"I told you.. He likes you." Tumungo ako saka mas pinagkiskis ang kuko ko. Napaangat ako ng tingin ng tumayo siya. "Kung sinabi mo ng maaga baka naayos ko pa agad ito, hindi na sana nangyari yan sayo." Naglakad siya papunta sa pinto. Sinundan ko siya ng tingin.
"Saan ...ka pupunta?" Lumingon siya sa akin at nakagat ko ang labi ko nang makitang hindi pa rin nawawala ang galit sa mukha niya. "Kung iiwan mo ako dahil sa nangyari, ayos lang. Kasalanan ko." Matapang na sabi ko.
Ngumisi siya saka natawa ng kaunti. "Magpalit ka ng damit." Iyon ang sinabi niya saka lumabas ng pinto.
Tama naman ang sinabi ko? Marami pa siyang makikilala, mamahalin. Iyong hindi siya masasaktan at sisirain ng ganito. Walang ganang nagpalit ako ng damit. Pinunasan ko na din ang ulo ko. Nang matapos ay hindi muna ako lumabas. Bumagsak ang luhang kanina pang nagbabadya sa mga mata ko. Pinilit kong pigilan ito pero hindi ko magawa. Pumasok si Jon at naabutan ako sa ganoong sitwasyon.
Nagaalala ang mga titig niyang lumapit sa akin, kasunod niya si Cindy. Pinawi ko ang luha sa mukha ko at iniwas ang tingin sakanila. "Tsh." Hinila ni Jon ang kamay ko at niyakap ako. Ayun at humagulgol na naman ako sa balikat niya. Kasalanan ko talaga ito! "Why are you crying?"
"Kasalanan ko lahat ng ito.." Hindi ko na talaga napigilan ang iyak ko. Nakatungong kinuha ni Cindy ang laptop at gamit niya saka lumabas ng pintuan.
"Alam mo pala eh.. what should you do now?" Hinimas ni Jon ang pisngi ko. "Cry?"
"A..nong ibig mong sabihin?" Nakakunot lang ang noo niya sa akin. Gusto niya bang iwan ko na siya. Hindi ko alam kung kakayanin ko iyon. Tumayo ako nang walang makuhang sagot sakaniya at lumabas, sinundan niya ako.
"Hey.. where are you going?!" Sigaw niya ng hinahabol ako.
Binilisan ko ang lakad ko. "Wag mokong sundan! Gawin nalang natin! Hindi ko kayang sabihin!" Sigaw ko sakaniya habang umiiyak.
"Anak?! Anong nangyayari! Jon?!" Sigaw na habol ni Mama. Nang makalabas ako ay pumara ako ng taxi, nakasakay naman ako agad at inutusan ang driver na bilisan. Hindi ako sa bahay nagpahatid dahil masusundan din ako ni Jon doon. Walang pigil ang luha sa mata ko.
"Mam san ho ba talaga tayo? Kanina pa po kayo umiiyak diyan, nakailang kilometro na po akong nagpapatakbo..." Hndi na napigilan ng driver na tanungin ako. Pinawi ko ang luha ko at suminghot saka dumukot sa bulsa ko. Wala akong dalang pitaka! Paano na ito! Sinilip ko ang mata ng driver sa rear mirror. Bahagya pa akong nagulat ng nakatingin din siya sa akin.
"Ah.." Naitikom ko ang bibig ko.
"Naiwan mo ang pitaka mo?! Lumang style na yan!" Nagagalit na sabi niya sa akin. Baka ikapahamak ko pa ito kapag inamin ko. Kinakabahan na umiling ako sakaniya.
"Hindi po! Sa ASC DAILY niyo ako ihatid." Napatiim ang bagang niya bago umiling saka mina-ubra ang kotse patahak sa dati kong kompaniya.
Binunot ko ang telepono ko, mabuti at nadala ko pala ito. Tinext ko si Stacy at humingi ng tulong. Nagdasal ako na magreply siya. Dahil baka sa presinto pa ako dalhin ng taxi driver. Hindi ako nabigo dahil ngayon tumawag na siya. Ngayon lang ata ako dali-daling sumagot ng tawag niya.
BINABASA MO ANG
My Ex- Boyfriend is a Pop Star [FAN FICTION]
FanfictionMy Ex- Boyfriend is a Pop Star "Stalker ka na pala ngayon?... Angel." 'Pop Star Artist and Paparazzi Journalist' Two ex-couple designated to meet again after two years. They've been separated many times in their life. Their beautiful history turns o...