A/N: PLEASE COMMENT AND VOTE PARA GANAHAN AKO MAG-UD. KAMSAHAEYEO<33
End-o
"Ano?!!" Nagulat ako sa biglang sigaw ni Mama. Sakaniya ako dumiretso kinabukasan dahil wala naman na akong ibang pupuntahan. Natatakot na ininom ko ang tubig ko na nasa ibabaw ng lamesa.
"Silva humanahon ka.." Niyapos ng ama ko ang braso ni Mama. Argh sakit sa mata.
"Anak naman kasi paano na ? Paano ka na? Bumalik ka nalang dito.. kapag dito ay hindi mo na proproblemahin ang pagkain at bills mo habang naghahanap ka ng bagong trabaho."
"Ayoko nga Ma!" pagtutol ko tapos ay tiningnan silang dalawa ni Papa. Pinagipunan ko nga ang paglipat last year tapos babalik din pala ako dito. Hindi kopa napapatawad si Papa hindi pa ako handang pagbigyan siya. Pero alam ko naman na bumabawi siya, ngayon ay hindi ko sila madalas makasama kaya medyo hindi pa okay ang pakikitungo ko sakaniya.
"Bakit ba?! Hindi ko na kokonsintihin ang maling pamamalakad mo sa buhay mo! Kalahating taon na kitang pinagbigyan na bumukod. Ngayon ay babalik kana dito. Wala ka rin namang pambayad! Saan ka kukuha ng pangrenta mo?"
"Maa!! Ayoko nga! Gusto ko maging independent! Tss." pagmamaktol ko.
"Independent ayan! tingnan mo!! San ka kukuha ng pera ngayon?! Inuna mo nga ang kotse at condo kaya hindi ka pa nakakapagbigay gaano sa akin pero wala lang naman sa akin iyon anak.. ako pa nga ang nagbibigay sayo diba?! Kaya ngayon okay lang sa akin na bumalik ka nalang dito. Mapapalagay pa ak-.."
"Makakahanap ako Ma!! Gagawa ako ng paraan!" Tss nasumbat pa iyong binibigay na pera.
"Hayaan mo na ang anak natin Silva, bigyan nalang ulit ng per-.."
"Sayo na naman galing?" pagputol ko sa sasabihin ng tatay ko. Nung mga unang pagbibigay sa akin ng pera ni Mama ay nadulas na sakaniya galing iyon. Tapos ng sumunod ay tinatago na nila pero alam kong sakaniya parin galing iyon. "Huwag mo nga ako bigyan ng pera diba?! Hindi mo ba maintindihan iyon! Baka mamaya kung saan pa galing iyang pera na yan eh."
"Sophia!" sigaw ni Mama.
"Hayaan mo.." Ngumiti sa akin si Papa. "Anak pakinggan mo ako.." lumapit siya sa akin. Tumayo ako.
"Ayoko nga.. ang kulit mo naman." Aalis sana ako papasok sa kwarto. Madalas kapag gusto niyang mag explain ay tinataboy ko siya. Kung minsan nga ay hindi pa siya nagsasalita ay aalis na ako. Nung mga unang taon namin na nasa iisang bubong ay madalang ko siyang makasama. Iniiwasan ko talaga siya.Sobrang lamig at tigas ko nung mga panahon na iyon sakaniya..brokenhearted din ako kay Jon non eh, kaya't lahat tinataboy ko. Nitong mga nakaraan taon kolang siya nakakapalagay na makasabay kumain o makita, sanayan na din. Napatigil ako sa pagalis ng may sinabi siya.
"Nag-adik ako.." Humarap ako ng gulat.Ngayon niya lang sinabi sa akin ito.
Tumawa ako ng sarkastiko."Hindi kalang pala mangiiwan ng anak at asawa. Adik ka pa? Wow."
"Nalulong ako..kaya't naiwan ko kayo noon, hindi ko alam na kinuha ng pamilya ko.. ng mga lola mo iyong bahay." Namuo ang luha sa mga mata ko. Lumapit si Mama sa likod ni Papa para aluyan ito. Napakasakit lang iyong mga panahon na yun kapag naalala ko.
Bakit ngayon niya lang sinasabi ang lahat ng ito? Mas lalo kolang siyang kinaiinisan.
"Hindi mo na kailangan sabihin sakin ang mga bagay na iyan! Lalo lang kitang kinamumuhian. Kahit kailan pwede kang bumalik pero pinili mong bumalik kung kailan tinanggap ko ng wala akong ama!" Lagi nalang silang nagsasabay ni Jon sa pananakit sa akin. Dapat silang dalawa nalang ang magsama.
BINABASA MO ANG
My Ex- Boyfriend is a Pop Star [FAN FICTION]
FanfictionMy Ex- Boyfriend is a Pop Star "Stalker ka na pala ngayon?... Angel." 'Pop Star Artist and Paparazzi Journalist' Two ex-couple designated to meet again after two years. They've been separated many times in their life. Their beautiful history turns o...