Chapter 25

31 4 0
                                    

Dreamhouse

Pagkadating sa bahay ay nauna na sila Mama nandon, nagluluto si Mama sa kusina at naghahanda ng lamesa si Papa. Nagtulungan kami ni Jon na maglabas ng gamit ko mula sa kotse niya. Habang nagbubuhat kami ay sumigaw si Mama.

"Mga anak! Mamaya na yan.. kumain na muna tayo." Tiningnan ko si Jon na nakadungaw sa compartment.

"Tara na.. maya na yan." Inilbas niya ang ulo saglit at kinuha muli ang binuhat.

"This is the last one.. arghh let's go." Ani niya pagkatapos buhatin ang mabigat na kahon. Siguro ay kung nalalaman ng mga fans niya ang pinaggagawa niya ngayon ay sinugod na ako at binash sa internet. Siya naman ang nagpresinta niyan eh. Siya ang sisihin nila.

Naghanda ng pagkain si Mama. Inilapit niya ang kanin sa amin at ulam. Nagsasalin naman ng tubig si Papa. Nang abutan niya ako ng tubig ay matipid akong ngumiti. Tahimik kaming naghapunan ng biglang magsalita si Mama.

"Jon.. salamat ah, busy kang tao pero tinulungan mo pa din si Sophia." Umiling si Jon at ngumiti.

"Wala po yun."Sagot ni Jon. Inikot ko ang mata ko. Nakita iyon ni Mama tapos ay pinalo ako ng kutsara sa ulo.

"Aray!" Hinimas ko ang ulo ko habang nakasama ang tingin kay Mama.

"Ikaw! Ikaw na nga tinutulungan.. nagpasalamat ka na ba kay Jon ha?"

"Oo naunahan pa kita Ma!"

"Suss.." Tumingin siya kay Jon tapos ngumiti at nagusog ng ulam. "Kain pa Jon Dale.. hmm dito ka na matulog sa kwarto ni Sophia ha.."

"Ano! Ma naman!" pagprotesta ko.

"Oh bakit?! Dati naman na kayo nagtatabi matulog.. anong masama don?" Kung dati ay todo pagalit siya sa akin kapag nadadatnan niya kaming sobrang dikit ni Jon. Ngayon naman ay tinutulak niya ako.

"Hindi naman ata tama Silva na tayo ang magdesisyon.. hayaan natin sila." ani Papa.Tumango ako ng marami.

"Okay lang ho. Uuwi na lang po ako."-Jon

"Ay naku! Malayo ka pa.. at saka baka pagalitan ako ng Ina mo gabi na! Hindi kita hahayaan umuwi.."

Napailing na nahihiyang tumango si Jon. "Sa sofa nalang po ako dito sa sala."

"Malamig diyan at saka hindi ka komportable... Sophia! Doon na siya sa kwarto mo, kanina nga magkatabi kayo don eh.."

"Tita okay lang po talag-.."

"Sa kwarto ka na." pigil ko. Nangongonsensiya pa sila eh. Para manahimik na. Naglagay ako muli ng pagkain sa plato at pinagpatuloy ang pagkain. Nakangisi si Mama eh! Tsk.

"Eh saan ka?" tanong ni Jon.

Tinaasan ko siya ng kilay."Sa kwarto ko din."

"Tabi tayo?"

"Ayaw mo? Sa sahig ka nalang." Saktong pang isang tao lang ang kwarto ko pero kasya naman kaming dalawa sa kama. Mas malaki itong bahay namin ngayon na binili ni papa kesa noong nakikitira kami sa likod ng bahay nila Tita. Dalawa ang kwarto at may sala at kusina. "Tapos na po ako. Akyat na ako.." Sinenyasan ko sila Papa at Mama. Kapag bumibisita ako dito ay madalang na akong utusan ni Mama dahil alam na pagod ako sa trabaho.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay naghanda ako ng susuotin para maligo. Sa kalagitnaan ng pagaayos ko ay nagring ang telepono ko. Si Aaron ang tumatawag.

"Hmm?" Sagot ko. Umupo ako sa kama.

"Wala ka sa unit mo. Nakela Tita ka?" sabi niya.

"Oo.. galing kami diyan kanina, Nagimpake ng gamit.." Alam niyang lilipat na ko dito kela Mama.

My Ex- Boyfriend is a Pop Star [FAN FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon