Okay
Nagpakawala ako ng buntong hininga ng mauna akong makarating kay Jon. Pag yun ang nauna ay nakakahiya pa dahil sikat na artist lang naman iyon. Natawa ako sa nasa isip ko. Ako lang ata ang paparazzi journalist na nakikipagclose sa isang celebrity. Kakaiba amp. Pagkapasok ko sa The Angel's ay lumapit agad ako sa kahera para umorder. Dalawang kape ang inorder ko.
"Hi Maam Angel ikaw din po iyung kagabi diba?" Tanong ng kahera.Naalala pa niya ako a' Tumango ako at ngumiti naman siya bago nagtipa muli sa monitor. "One thousand three hundred thirty four maam." Napalunok akong inabot ang card ko. Sana magkweldo na, nauubos ang pera ko sa mga ganitong operasyon. Tumunog ang chime at napalingon ako.
"I'll pay." Agad na sabi ni Jon. Umiling ako at ngumiti. Okay lang na ako magbayad kase plaplastikin kita.
"K-kayo po yung..." nagulat na sabi nung kahera. Hindi siya pinansin ni Jon.
"Tapos na ba?" tanong ko, inabot niya ang card ko. Bumaling ako kay Jon at sinenyasan siyang umupo na kami. Sumunod naman siya sa akin at umupo sa harap ko. Hindi pa ako tinatawag para kunin ang inorder ko.
"Buti nakapunta ka.." panimula ko.
"Well.. I'm not that busy." Sus baka kase didiretso kalang sa bar mamaya.' Hindi ko iyon sinabi.
Ngumiti ako sakaniya at tumingin tingin sa pader. This is awkward.
Umubo-ubo muna ako bago magsalita. "Ahh.. hehe" Hindi ko alam paano magsisimula, kagabi lang ay halos magsigawan kami magiging weirdo iyon kapag naging mabait bigla ang pakikitungo sa kaniya ngayon. Pero iyon ang kailangan kong gawin. "Kamusta ka na?"
Tinaasan niya ako ng isang kilay habang naka kunot ang noo. Prenteng nakaupo siya sa harap ko at napayabang at angas ng dating niya. Lumaki ang braso niya kesa nung noon ko siyang nakita, pero ang mukha niya ay payat pa rin. Hindi ata to nagkakakain ng maayos.
"How do you want me to answer you?" Now.. he is starting to be irritated. Ano bang nakakairita sa sinabi ko. Nangangamusta lang naman ako para may mapagusapan kami. Kala naman niya gusto kong kinakausap siya.
"What's wrong with my question?" Inenglish ko din siya. Tumawa ako ng kaunti. "We're close friends before anything that happened." dagdag ko. Dapat masimulan ko doon na.. naging magkaibigan naman kami bago kami naging magkarelasyon at naghiwalay. Atleast mapaalala ko iyon sa kaniya ay baka maging maayos muli kami.
"Really? So you expect me to be nice after you cheated on me on that stupid close friend' of yours.." Ikaw ang stupid. Isang send lang ng picture sa kaniya ay pinaniwalaan niya na kaagad iyon kesa sa paliwanag ko. Tss. Nakakainis lang kapag naalala ko na naman ang nakaraan naming dalawa.
"Hanggang ngayon pinaniniwalaan mo pa rin iyon? Haha.. " Pinagkrus ko ang dalawang hita ko at pinatong ang isang kamay . "Anyways.. Jon it's in the past now. We've both moved on so let's forget about it." Gusto ko sabihin siya palang ang nakakamove-on dahil masaya na siya ngayon sa buhay niya. Laging nagsasaya sa bar kasama ang kaibigan at kung sino mang babae niya. Alam ko hindi pa ako nakakamove -on sakaniya dahil apektado pa rin ako.. nagagalit pa rin ako sakaniya. Na dapat ay hindi na. Dahil dapat wala na akong pakailam sa kaniya.
"Sinong hindi maniniwala hanggang ngayon? You end up together." Ngumisi siya sa akin. Anong pinagsasabi nito.
"Ma'am Angel!! Your Coffee Maam!" Tinanggal ko ang pagkakunot-noo ko sa kaniya at tumayo para kunin ang order.
"Salamat.." Sabi ko ng inabot ito. Lumapit ang kahera sa akin bago ako umalis. At nakangiti silang dalawa sa akin nung isa pang crew na babae.
"Maam. Bakit niyo po kasama si JD?"
BINABASA MO ANG
My Ex- Boyfriend is a Pop Star [FAN FICTION]
FanfictionMy Ex- Boyfriend is a Pop Star "Stalker ka na pala ngayon?... Angel." 'Pop Star Artist and Paparazzi Journalist' Two ex-couple designated to meet again after two years. They've been separated many times in their life. Their beautiful history turns o...