Gift
Natapos ang araw ng lunes na hindi ko nakita si Jon, hindi sa hinahanap ko siya pero naalala kong sinabi niya kahapon na araw araw daw niya ipaparamdam na gusto niya ako sus! wala pala siya eh, tama talaga ang kutob ko na nantitrip lang yung ogag na yun. Bahala siya, dating gawi lang sa walang pansinan! back to normal. Hindi naman ako umaasa, natandaan ko lang ang sinabi niya. Pagkauwi ko ng bahay ay nadatnan ko si Mama na naghahain sa lamesa siguro'y dama na niya na parating na ko. Humalik ako sa pisngi niya at umupo sa upuan.
"Ma anong ulam?" tanong ko kay Mama, automatikong nagsitunugan ang cellphone ko dahil sa nakaconnect sa wifi nila Tita. Napangiti ako. 'May cellphone na talaga ako. Hindi man ito sobrang ganda at latest ng katulad sa ibang taga eskwelahan ko ay masaya nako dito. Sobrang pasasalamat ko kahapon kay Mama at napaluha pako sa tuwa. Pinagtawanan naman nila ako ng mag-inang Watson.
"Sinigang na baboy ang natira anak sa karenderia, ilang beses ko ininit yan kaya hindi pa panis..may gusto ka bang iba at pagluluto kita." Ambait talaga ni Mama ko. Umiling ako at ngumiti. Sinandokan niya ako ng kanin sa plato ko.
"Wag na Ma.. gutom na rin ako saka masarap naman ito basta luto mo." Nagkamustahan kaming dalawa ng araw namin, masasabi kong hindi kami katulad ng ibang pamilya pero kontento at masaya ako na may Nanay ako na katulad niya. Ipinangako ko sa sarili ko na pag-iigihan ko ang pagaaral ko para sa kinabukasan namin ni Mama. Kaso ayun nga lang ay ang tamad ko sa eskwelahan minsan hehe'z.
Pagkatapos namin kumain at magligpit ay naligo ako. Binilisan ko ang pagligo para makapag-selpon nako. Hindi ko ito gaano nagagamit sa school dahil wala naman akong load o mobile data. Pero nagpicture picture na kami nila Aaron at Stacy, napangiti ako na maalala kung gaano sila natutuwa na may selpon na rin ako. Tropa goals talaga.'
Nadatnan ko si Mama na natutulog na, kaya sa labas ako ng kwarto tumambay para mag selpon hindi pa umiinit ang pwetan ko sa upuan ay may tumawag sakin na hindi nakarehistro na pangalan. Sila Stacy at Mama lang ang may alam ng sim number ko na kabibili lang kahapon kaya sino to?
Taray naman at may caller nako, kahit isang araw palang. Hahha Iba to!'
Sinagot ko ang tawag, nag'hello ako at natagalan bago siya magsalita. Isa siya sa hinala kong tatawag. Malalim ang boses niya sa personal pero mas malalim sa telepono, si Jon ang tumawag. Pano niya nalaman ang numero ko. Maaring kahapon ay hindi ko napansin.
"It's me. Labas ka." Tiningnan ko ang relo sa dingding, mag aalas-dyis na ng gabi!
"Alam mo ba kung anong oras na? May gagawin ako kaya wag ka muna mantrip!" Narinig ko siyang bumuntong hininga bago magsalita uli.
"Ten minutes lang.." Ano naman kayang trip nito? Hindi ako nagsalita. Namalayan ko na lang ang sarili kong nagsuot ng tsinelas at lumalabas ng gate. Naka sandong itim at grey na jogging pants siya. Bumaba ang tingin ko.
Sa paa niya!
Naka tsinelas din siya tulad ko. Hindi matatago ang mga muscle sa braso niya. Napalunok ako.
"Oh ano?" Tinaasan ko siya ng kilay, gamit ang pacool na reaksyon sa mukha niya ay may inabot sya saking paperbag. Kunot noo ko iyong inabot.
"Happy Birthday..I know it's tomorrow so I'm two hours early, sorry for not..uh ' messaging you the whole day because I was busy.." tiningnan niya ang paperbag, na parang sinasabi'y iyong ang dahilan ng pagiging abala niya buong araw.
regalo..
"Ano laman nito?" Malamang regalo! Bobo ko naman "Ahh salamat .. nageffort ka pa.." nahihiya kong sabi.
BINABASA MO ANG
My Ex- Boyfriend is a Pop Star [FAN FICTION]
FanficMy Ex- Boyfriend is a Pop Star "Stalker ka na pala ngayon?... Angel." 'Pop Star Artist and Paparazzi Journalist' Two ex-couple designated to meet again after two years. They've been separated many times in their life. Their beautiful history turns o...