Chapter 12

23 4 0
                                    


Jealous



Nakarating kami sa Village na wala halos imikan. Hindi ko alam ang sasabihin ko at wala naman siya gaano sa mood mula kanina. Dapat hindi na siya nangailam dahil wala naman ako pakailam kasi sa mga alagad niya.At mas lalong hindi ako natatakot sa mga iyon. Kahit ganon ay hindi maalis sa loob ko ang pagkatuwa na ginawa niya iyon.


Halos tatlong lakad nalang ay bahay na namin. Papasok na sana ako sa gate at magpapaalam sa kaniya.


"Pasok na ko.." sabi ko

"Sandali lang." huminto ako muling humarap "Tell me kapag ginulo ka nila uli."


"Nino?" sabi ko kahit alam ko naman kung sinong tinutukoy niya.


"Tsk..those girls in the school. " tumawa ako ng unti.

"Hindi naman ako takot sa kanila." Nakalimutan na ba niyang nagsabunutan kami ni Trinity nung nakaraang ipagkalat niya kuno na girlfriend niya ko?


"Miski- na.. you must tell m-..."


"Para san?" pagputol ko. "Kaya ko ang sarili ko Jon." Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko.


"I just...don't want you to get hurt." napapahiyang sabi niya


"At ano naman ang gagawin mo kapag nasaktan na ko?" Naiintindihan ko siya pero gusto ko makita niyang hindi lagi ay dapat kailanganin ko ang tulong niya. Gusto kong maramdaman niyang hindi na ako bata.. na kaya ko nang proteksyunan ang sarili ko ..pati siya nga e kung maari.  "Dapat nga ay hindi mo na ginawa iyon kanina. Lalo lang lalala ang sitwasyon e" dagdag ko.


Napatiim-bagang siya at napahawak sa sentido bago mariin na pumikit. "I warned them so they'll stop..seriously hindi ko maintindihan kung bakit pinagtatalunan pa natin to..dapat nga ay--" hindi niya tinuloy ang sasabihin. 'Dapat ay magpasalamat pako? iyon ba ang gusto mong sabihin Jon?


"Dahil hindi na ako bata Jon! Hindi sa lahat ng oras nandiyan ka! Lumaki akong mag-isa.. kaya ko ng mag-isa.. Okay! Salamat -- pero sana hindi mo na iyon ginawa kase mas lalo lang maiinis ang mga iyon." diretso ko siyang tiningnan. Dapat maintindihan niya yon. Huwag niya akong tingnan na parang mahina ako. Dahil hindi na..hindi na ako iyong batang nagsusumbong sa kaniya kapag may bumubully sa akin.


"Hindi ka na bata pero pagmamay-ari kita kaya kung sinong aapi sayo ay hindi ako papayag." He said in a low growl.


Tinagilid ko ang ulo ko. "Hindi mo ko pagmamay-ari." sabi ko, ako lang ang nagmamay-ari sa sarili ko. Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko "Gusto mo ko.. pero hindi ako materyal para angkinin mo." pagpapatuloy ko.


Malalim siyang bumuntong hininga pero nanaig ang mataas na pasensiya niya para sa akin..hindi nakatiis . Hinawakan niya ako sa dalawa kong kamay at lumapit. "I'm sorry.. I didn't meant it that way.. ayoko lang mapahamak ang girlfriend ko."


Kumunot muli ang noo ko. Bakit napunta sa estado namin itong pinaguusapan namin. "M.U. PALANG! JON. Hindi pa tayo opisyal! Masyadong mabilis ang lahat .. Tingnan mo ngayon unting bagay lang ay pinagtatalunan natin paano pa kaya kung totoong nasa loob na tayo ng relasyon?!" sunod sunod na sabi ko na nagpa-ubos na ng pasensiya niya.


"M.U.?! Huh! Hindi na tayo bata Sophia! Alam kong gusto mo ko.. nararamdaman ko!"


Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. "Kailan ka pa tumambay sa damdamin ko? para malaman mo!!" singhal ko sakaniya.


"Nagaaway ba kayo?" tanong ng pinsan kong dalawang taon ang tanda ko sa kaniya.


"Hindi Gabby.. naguusap lang." sabi ko pagtapos sinamaan ng tingin si Jon


My Ex- Boyfriend is a Pop Star [FAN FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon