Chapter 32

19 4 1
                                    

Rules


"Oo nga! Kulit mo naman eh."

"Ehh.. sige na, balitan mo ko ah."-ani Stacy saka sinarado ang pinto ng kotse ko at kumaway pagkatapos non. Kanina niya pako pinipilit na sabihin ko daw kay Aaron ang feelings niya'. Nang malaman kasi nito na gusto makipagusap sa akin ni Aaron ngayon ay todo kulit na siya. Wala naman ako magawa, kahit na dapat siya ang nagsasabi non.

Ang sabi ni Aaron ay doon nalang daw kami sa condo niya magusap. Aantayin niya ako sa parking lot. Magsosorry lang eh gusto pa sa private na lugar.Lagi naman ako doon sa condo niya noon kaya hindi na big deal sa akin iyon. At saka kaibigan ko si Aaron, walang malisya yun. Iniisip ko kung magpapaalam ako kay Jon. Ang alam ko nasa live stage siya ngayon. Babanggitin ko nalang kapag nagka-usap kami.

Byumahe ako pa condo ni Aaron. Nang makarating ako doon ay agad akong nagpark at naglakad papasok pero nandoon si Aaron na nakapamulsa at seryoso ang titig sa akin.Gusto ko sanang tawanan pa siya pero hindi ko dapat makalimutan na may atraso siya sakin kaya blangko lang ang ekspresyon ng mukha ko.

Nang makarating ako sa pwesto niya ay nakipagtitigan pa siya sa akin ng ilang segundo. Namumula ang mata at mukha niya. Hindi naman siya mukhang may sakit. Ayokong unang magsalita kaya inaantay ko siya. Hindi ako nabigo dahil sinenyasan niya na akong sumunod sa kaniya. Taas talaga ng pride, magsosorry lang hindi pa magawa.

Hanggang sa makarating kami sa pintuan ng unit niya ay nakasunod lang ako. Pumasok kami doon at gaya ng lagi kong ginagawa ay naupo ako sa kama niya. Habang kumukuha siya ng maiinom naming tubig o ano man. Nagtingin ako sa lamesa niya habang inaantay siyang magsalita. May tatlong jumbong red horse, ubos na ang isa at nangangalahati na yung isa. May pulutan din at tunaw na yelo. Mukhang kanina pa siya nagiinom kaya siguro namumula siya. Hindi ko siya tinanong dahil inaantay kong siya ang unang magsalita.

Lumapit siya sa akin at nag abot ng tubig. Kinuha ko iyon at hinawakan lang sa dalawang kamay ko.Umupo siya sa harap ko at tumingin sa baba. Nang magkaron ng lakas ng loob ay nagsalita na siya.

"Nagpunta ako.. sa opening ng resto bar." tiningnan ko lang siya, hanggat di siya magsosorry bahala siya diyan magsalita magisa. "-.. nareceive ko yung text mo." dagdag niya. "Ang saya saya mo naman." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong meron kung masaya ako? Anong ibig niyang sabihin. "Nabalitaan ko iyong nangyari sa horror show."

"O e ano naman?" Maraming nangyari sa horror show nila Jon pero kung iyung pagtatalo ang nabalitaan niya ay hindi naman na big deal sa pagaaway naming dalawa yun, hindi na niya kailangang isali pa sa usapan.

Ngumisi siya at napatawa ng kaunti saka tumingin sa ibang pwesto. "Sophia hindi mo ba makita iyung sitwayon niyo?" Tiningnan niya ako. "Nasisira mo ang career ni Jon at ikaw? Umalis ka ng network dahil din sa kaniya. Ang toxic ng relasyon niyo noon pa.. alam mo iyan, hindi ka niya nga pinaniwalaan diba."

Tinaas ko ang palad ko. "Teka .. anong kinalaman ng relasyon namin sa usapan natin ngayon?" Naguguluhan ako. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko, takang tiningnan ko siya ng kamay.

"Wala si Jon ngayon sa tabi mo ilang araw na.. masaya ka ba ng ganiyan?" Kinalas ko ang kamay ko pero mas hinigpitan niya at hinawakan niya ang pisngi ko.

"Ano ba !"

Hindi niya inalis ang pagpupumiglas ko. "Makinig ka muna!"

"Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabe mo!" Walang koneksyon lahat sa away namin ang sinasabi niya.

"Ako! Ako ang laging nandito, inagawan at inunahan. Noon nagparaya na ako pero ngayon aagawin ka na naman niya? Sisirain na naman niya ang buhay mo? Sasaktan at iiwanan? Sophia mag sesettle ka sa ganon?!" Nanggigil na tanong ni Aaron.

My Ex- Boyfriend is a Pop Star [FAN FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon