R-16
Soon
"Wala ka bang planong umuwi love?" Natatawang tanong ni Jon. May malaking wood na duyan dito sa terrace papasok ng bahay. Nakahiga kami dito habang nakayakap ang braso niya sa akin. Pinagmamasdan namin ang langit. Kanina ay nilibot ko ang loob ng bahay. Wala pa itong gaanong laman at wala pa ding kuryente at tubig marahil hindi pa inaasikaso ni Jon dahil wala pa naman daw titira. Itong upuan lang sa labas ang natira. Kanina pa kami nagkwekwentuhan at hindi na namalayan ang oras.
"Meron naman pero.. parang gusto kong matulog dito." Hinimas niya ang noo ko. Bumuntong hininga ako kase alam kung hindi pa pwede.
"Hindi ka pa ba nagugutom? Let's eat outside." Aya niya.
"Hindi ko na nga namalayan ang gutom sa saya ko." Tiningnan ko siya. "Thank you Jon."
Kumunot ang noo niya. "It's love!"
"Love nga.."
"Tsk. You should get use to it now. Araw araw mo na akong tatawaging ganyan hanggang sa makasal na tayo." Nagulat ako.
"Papakasalan mo ako?"
"Ayaw mo ba?" Umiling ako saka mabilis na tumango ng madami. "Parang ayaw mo ah.." biro niya. "Kapag nakasal na tayo dito tayo titira.." Kelan naman iyon!
"Ayan na ba ang proposal mo?" Mataray na tanong ko.
"Hmm.."
"WOW HA?!"
Tumawa siya saka mabilis akong hinalikan." I love you.."
"Tsk haha.. " Bumangon ako. "Tara na, kailangang kumayod."
Hinila niya ako. "Asan ang I love you too ko?!"
Dinilaan ko siya ng mabilis saka tumayo. "Tara naaa... sa kotse na."
Naipiling nalang siya habang natatawa. "Gusto mo sa kotse ha love?" ngising tanong nito.
"Sira!... Bye DreamHouse! See you later.." Kumaway ako sa bahay.
Napili naming kumain ng dinner sa loob ng Mall. Alam ko mahal dito dahil minsan na akong nag undercover at nag dine in dito. Hindi ko nalang siya pinigilan dahil siya naman ang may gusto. And unti lang din ang makakita sakaniyang fans dito. Oo nga pala sikat ang ex- boyfriend ko. Ay boyfriend ko na pala ulit. Hehe.
Sinalinan kami ng wine ng waiter saka ngumiti.
Tinaas ko ang baso at inilapit sakaniya."Cheers hehe.." Ang feeling ko, nakakainis.
Tumawa si Jon saka nakipagcheers din. "Cheers." Sabay namin yun ininom at binaba. Dumating ang main course na Steak. Itsura palang alam mong malambot, masarap at mahal. Pinilit kong itago ang pagkatuwa ko pero kumikinang ata ang mata ko at napansin iyon ni Jon. "Are you happy?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
My Ex- Boyfriend is a Pop Star [FAN FICTION]
FanfictionMy Ex- Boyfriend is a Pop Star "Stalker ka na pala ngayon?... Angel." 'Pop Star Artist and Paparazzi Journalist' Two ex-couple designated to meet again after two years. They've been separated many times in their life. Their beautiful history turns o...