Chapter 2

104 4 3
                                    

5 years ago..

"Stacy! Pakopya ng assignment mo sa Math bilis" May assignment nga pala ako sa putik na Math na yun.. ilang minuto nalang padating na ang teacher namin saka palang ngayon sinabe ni Aaron na may assignment daw don.

"Wala pa ko , kay Aaron ka na kumopya Sophia." Wews, wala?! Wala ring assignment si Aaron eh , kokopya nga sana siya sakin kanina. Tropa goals.

"Madamot ka, ha? , amin na notebook mo!!" kinalkal ko ang notebook sa bag niya, ng mahanap ko ito ay agad kong binuklat, sinimangutan naman ako ni Stacy. Walang palag haha!

Binilisan ko ang pagkopya, niyugyog ko si Aaron sa tabi ko na natutulog sa desk niya.

"Meron na ako, kumopya kana dalian mo padating na si Maam." Inangat niya ang ulo niya saglit , tiningnan ako pero agad ding umob-ob sa desk niya. Tanga-tangang to.

"Hoy, kumopya ka na ng assignment, ayaw mo ediwag, stacy oh!" Saktong pagkaabot ni Stacy ang notebook niya ay dunating ang teacher namin. Sakto hehe.

"Goodmorning class!" Ngumiti ang teacher namin, nag-goodmorning din kami pabalik pero walang gana version. Nilagay ng teacher ang dalawang kamay sa bewang niya. "Ay? Wala kayong gana ha..? Wala pa naman tayong klase ngayon"

Nagliwanag ang mga mukha namin, napa angat ang ulo si Aaron..

"Talaga maam?!"

"Yesss!!!"

"Yes yung assignment wala na!"

"Bakit po maam wala?!" - sipsip na kaklase


"Hiniram ni Maam niyo sa English ang time ko, may iaannounce daw siya tungkol ron sa yearly theatre musical play ng school.. malapit na nga pala mag nobyembre para sa English month" sabi ni maam math..

Umalis ang teacher namin sa Math at dumating din ang teacher namin sa English. Nagexplain siya tungkol don sa Musical Play, nag assign ang buong klase ng mga casts at production.. at siyempre wala namang dulot ay isa ako at si Stacy sa production staffs , si Aaron naman ay isa sa dancers.

"Naks, dancerings haa" hinampas ko ang braso ni Aaron, nandito na kame ngayon sa canteen para lumamon malamang. "Paano ka kaya sasayaw don hahahaha , ganto ba ganto hahah" tumayo ako at sumayaw ng gentleman ni Psy.

"Hoy umupo ka nga hahaha nakakahiya ka, oh kainin mo nalang to .. mukha kang ewan eh" sinubo niya sakin iyong siomai, hmm sarap.

"Sophiaaaa!! may nasagap akong chismis sa kabilang section." - sabi ni Stacy tapos umupo sa tabi ko.

"Ga—ling ka na namang ibang section, don ka nalang kaya pumasok psh." nginuya ko iyong pagkain sa bibig ko.

"Edi wala ka ng kokopyahan mare , pero eto na ngaa iyong chismis ko.." tinaasan ko siya ng kilay , Ang tagal naman sabihin. " iyong kapitbahay mo iyong gaganap na bidang lalaki sa play natin." Kala ko naman kung ano.

"Sino? yung anak ni Mrs.Watson?" May kapitbahay kami na close ni mama, laging nagpapaspecial delivery ng mga tinitinda ni mama na putahe sa maliit na carenderia namin.

"Oo yun nga.. yung sabi mo masungit tapos hindi ngumingiti." Madalas ako iyong nauutusan maghatid ng pagkain sa bahay nila Mrs. Watson, iyong anak niya ang lagi kong nadadatnan. Masungit iyon at suplado. Ni kailanman ay hindi ako nginitian non. Hindi ko na rin kinakausap kailanman.

"Ah yun? dugyot man yon.." Walang pakailam na sabi ko tapos kumupit ng siomai sa plato ni Aaron.

"Ano ba yan bat mo kinuhaaa!" - aaron

My Ex- Boyfriend is a Pop Star [FAN FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon