Offer
Kinabukasan ay Linggo at araw namin ni Mama, madalas ng sumama samin si Jon sa pagsimba. Pagtapos ng misa ay inaya ni Mama na doon nalang daw sa bahay sila kumain ni Tita Jen. Naghanda si Mama ng pagkain at nagpresinta si Tita Jen na siya nalang daw ang tutulong kay Mama. Nakatakas ako hehe..
Kasalukyan akong nasa kwatro para magpalit ng damit. Si Jon naman ay umuwi muna sa bahay nila. Siguro ay nagaaral na naman iyon o kaya naglalaro ng LOL sa kompyuter niya. Bago ako matapos magbihis ay sumigaw si Mama na tawagin ko na daw si Jon sa bahay nila dahil malapit na kaming kumain. Sumunod naman ako kahit tinatamad ako, nakakahiya kase kay Tita Jen.
Bukas ang pintuan nila kaya dire-diretso ako sa loob hanggang sa kwatro niya. Binuksan ko ito at agad sinarado ulit.
O_O
Sa di inaasahan ay nasaksihan ko ang alamat ng buto. Topless siya at puro buto lang naman iyong nakita ko. Nasapo ko ang noo ko.
BAKET KASE HINDI MUNA AKO KUMATOK?!!!
"Kakain na daw .. bilisan mo!" sigaw ko at agad na umalis ,narinig ko pang tumawa si Jon bago sumunod sa akin. Halos kasunod ko din siyang dumating sa bahay. Inalis ko ang buhok sa mukha ko at ipinunta ito sa likod ko, hinila ko ang upuan sa lamesa at naupo ng tuwid. Tumabi sa akin si Jon. Kahit hindi ko siya tinitingnan ay alam kong nakangisi siya.
"Magdasal muna tayo."-Mama. Nagsign of the cross ako at nagdasal. Dinagdag ko na din sa dasal ko na linisin niya ang imahe ng hubad na Jon sa isip ko. Tsk.
"Okayy kain na." Sinandokan ako ni Mama, inusog naman niya ang ulam kela Tita Jen. Si Tita Jen naman ay nagsalin ng tubig sa amin. Tahimik ko silang pinagmamasadan, ganito na talaga ang mga nanay.. parating inuuna ang mga anak nila.
Habang kumakain ay nagkwentuhan sila Mama, pasimpleng bumulong sa akin si Jon. "Kamusta?" sabi niya sa malalim na boses.
Tinatanong niya ako kung kamusta? KAMUSTA? Ano ibig sabihih noon? Patawa amp!
"Okay lang." tipid na sabi ko, para hindi halatang apektado. Ngumisi siya at malokong hinawakan ang dibdib niya. Amfeeling nito. Tiningnan ko ang dibdib niya tapos ngumisi. "Pwede ng hapunan ng aso." Nawala ang ngisi niya sa sinabi ko. Hindi ko naman mapigilang hindi matawa sa sinabi ko.
"HAHAHAHAHHAHA" Napailing -iling pako tapos sumubo uli ng pagkain.
"Tawa tawa ka diyan. antayin molang sa susunod iba na lalapa diyan." Tss feeling talaga. Napansin ko iyong pinggan niya na unti lang ang kinakain niya.
Sumandok ako ng ulam at nilagay sa plato ni Jon, doon ko lang din napansin na nakatingin pala sa amin ang parehong magulang namin. Nakangiti pa. Tinaasan ko sila ng dalawang mata at normal na kumain uli.
"Kayo na ba?" sa gulat nadura ako ng unti sa pinggan ko, inabutan naman ako agad ng tubig ni Jon.
"Ma *ubo-ubo* ano bang tanong iyan!" pinunasan ko ang bibig ko
"Bakit anak? Nagtatanong lang naman ako."
"Obvious naman kasi na nagkakamabutihan na kayo, oo nga ..kayo na nga ba?" malokong tumaas taas ng kilay si Tita Jen sa anak niya.
"Yes Ma." sabi ni Jon. Hinampas ko naman agad siya sa balikat.
"Anong yes?! sabi ko mag-antay muna tayo hanggang makasigurado diba.." Napakagat ako sa labi ko. Sobrang pula na siguro ng mukha ko sa kahihiyan ngayon, dalawang ina lang naman namin ang kausap tungkol sa estado ng relasyon naming dalawa!
BINABASA MO ANG
My Ex- Boyfriend is a Pop Star [FAN FICTION]
FanfictionMy Ex- Boyfriend is a Pop Star "Stalker ka na pala ngayon?... Angel." 'Pop Star Artist and Paparazzi Journalist' Two ex-couple designated to meet again after two years. They've been separated many times in their life. Their beautiful history turns o...