Present Time..
"Ilang buwan nga kayo non partner?" Tanong ni Aaron sa gitna ng byahe.
"Hindi ko na maalala, tantanan mo nga ako sa kakapartner mo!" Napakafeelingero nito lagi. Porket partner kami ngayong kalahati ng taon sa mga trabaho ay hindi na niya ako tinantanan kakatawag sa ganiyan.
"Ihhh! ano ba gusto mo? Partner in Life nalang. " Malokong nagtaas-baba siya ng kilay. "Ilang buwan nga kayo ng ex mo!! Impossible namang di mo maalala yun. First love mo yun e!" pangaasar niya.
"Ewan ko!... bago mag kolehiyo ata." Umirap ako. Ang kulit naman kase neto ni Aaron, malamang aasarin ako nito palagi tungkol don. Tiningnan ko ang folder na may profile ni Jon Dale Watson, binabasa basa ko ang mga na-achieve niya, mga kaibigan , kakilala, kagrupo niya. Na maaring makatulong sa pageespiya namin.
"Oh? Ediba musical play nung fourth year naging kayo non..tapos senior high dalawang taon.. Tagal niyo ah! " Hindi ko siya pinansin sa mga pagdadaldal niya at tumingin nalang ako muli sa bintana buong byahe. Hindi ko na dapat binabalikan pa ang mga nakaraan na ganoon, dahil wala naman mapapala pa. Alaala nalang.
Nakarating kami sa unit ng pagod. Humiga si Aaron sa kama agad pagkadating. Hinampas ko naman ang hita niya dahil hindi niya pa nahuhubad ang sapatos.
"Napakadugyot mo! Alis!" Umusog naman siya at umunat habang nakahiga. Hindi pinansin ang sinabi ko. "Ah hindi ka aalis? Asan na ba yung tambo ko." pagbabanta ko.
"Eto naman. Teka langg" Inamba ko sakaniya ang hawakan ng tambo , agad siyang napabangon." Uyy!! Eto naa HAHAH!!"
Nagring ang telepono ko sa kalagitnaan ng paghahapunan namin ni Aaron. Si Mama ang tumatawag.
"Hmm.. Ma?" Itinigil ko ang subo at binagalan ang nguya.
"Hi tita!" sigaw ni Aaron.
"Anak.. andiyan pala si Aaron ikamusta mo ako.." Sinenyasan ko si Aaron, at inilipat ang telepono sa kabila kong tenga.
"Osige.. bat ka napatawag Ma?"
"Nangamusta lang..hmm, dalawin ka namin sa weekend?" Umiling ako kahit hindi niya nakikita.
"Wag na Ma.. may bago kaming trabaho ngayon.. daanan ko nalang kayo pag may time ako."
Bumuntong hininga siya. Bored na naman siguro sa bahay, at namimiss ako. Bumukod na kasi ako kay Mama mula ng makaluwag at makaipon ay nakakuha na ako ng unit. "Ganon ba? Ahhh Kumain ng madami ha.."
"Opo Ma.. kayo din, dalhan ko kayo pasalubong kapag nadalaw ako diyan ha?"
Pagkatapos naming kumain ay nagplano kami ni Aaron para sa trabaho. Sa umpisa ay mamanmanan muna namin ang schedule ni Jon. Mas mahirap siyang makasalamuha dahil sikat na PopStar na siya ngayon ng boygroup. Mas mahigpit ang security, hindi gaya ng minanmanan namin sa huling trabaho na si Trixie na nakakapag date pa sa restaurant.
Plinano naming aralin muna ang schedule ni Jon Dale bago kami magsigawa ng panibagong plano para mahuli siya.
Ang report kasi sa amin ay napapadalas daw ang pagtatagong bar niya at pagpapalit palit ng babae. Walang mga litrato at ebidensiya kaya iyon ang tratrabaruhin namin. Sakto ay may audition ngayon sa agency nila. Bilang mas mukha akong bata tingnan kay Aaron ngayon ay ako ang papasok sa kompanya nila Jon Dale. Siya naman ang magbabantay sa labas at susunod sa Van nila kung saan magpunta.
"Oo .. basta ganon, ako sa labas at ikaw sa loob." Tumango ako at humiga sa kama.
"Geh. Tawagan nalang kita. Labas na."
BINABASA MO ANG
My Ex- Boyfriend is a Pop Star [FAN FICTION]
FanfictionMy Ex- Boyfriend is a Pop Star "Stalker ka na pala ngayon?... Angel." 'Pop Star Artist and Paparazzi Journalist' Two ex-couple designated to meet again after two years. They've been separated many times in their life. Their beautiful history turns o...