Chapter 23

34 4 0
                                    

Truth


Tumunong ang alarm ko at dali-dali akong tumayo ng mahimasmasan. Dumiretso ako sa banyo para gawin ang dapat gawin at nang matapos ay nagayos ako ng sarili, namili ng damit at nagtimpla ng kape habang inaantay ang tawag ni Jon. Saktong matapos ako magkape ay tumawag siyang nasa lobby na daw siya. Bumuga ako ng malalim na hinga para pakalmahin ang sarili bago lumabas ng elevator papunta sa kotse niya.

Kagabi ay sa gulo at hindi ko maintindihan na sitwasyon ay nanatili akong hindi nagsalita sa sinabi niya. Nagpaalam lang ako sa kaniya nung maihatid na niya ako at sinabing magkita nalang kami ngayon. Nakatulugan ko na ang pagiisip ng dahilan sa sinabi niya.

'Make it up ba ang alin? Make it up to you daw', Ano ba ibig sabihin non? Sinearch kopa sa google pero hindi ko pinaniwalaan. Mahirap mag-assume kaka-kita lang namin uli. At hindi ko pwede kalimutan ang dahilan kung bakit kami magkasama ngayon.

"Hi goodmorning." sabi ko ng makapasok sa kotse niya.

"Nagbreak fast kana?" umiling ako.

Hindi na kami nagusap pagtapos non. Nang malapit na sa agency nila ay lumiko siya sa isang fastfood para mag drive thru. Agad niyang sinuot ang mask bago ibaba ang bintana.

"Black Coffee and two-pancakes.. what yours pey..?" Napaigtad ako sa gulat ng banggitin niya muli ang palayaw ko. It's been years. Nakakamiss. Siguro gusto niya lang na manumbalik kahit ang friendship namin.. pero eto ako ay balak sirain iyon sa gagawing trabaho.

"Ganon din." He smiled and talk to the crew outside the window.

"Eat." inabot nya sa akin ang mga order bago i-andar ang kotse. Sinunod ko ang sinabi niya dahil nagugutom na din ako. Humigop siya ng kape ng maabutan kami ng traffic light.

"Jon.." Inamba ko sakaniya ang tinidor na may pancake. Siguro ay gutom na din siya. "Isubo mo na habang nakahinto bilis.." Tumawa siya ng kaunti at agad sinunod iyon.

"You're treating me like a baby." sabi niya pagkatapos ng sunod sunod na pagsusubo ko sakaniya.

"Tss haha" Napailing iling pako. Now ay medyo okay na ang vibe naming dalawa.. I guess so?

Pinark niya ang kotse at bumaba na kami.

"Saglit tawagan ko lang si Aaron."

"Why?"

"Baka nandito na kase iyon."sabi ko at kinuha ang telepono.

"Why should he be here?" Tinawagan ko si aaron.

"Partner ko siya sa trabaho.. Excuse me." Nakita kopa siyang lalong kumunot ang noo bago ako umiwas ng tingin. Nakakrus ang braso niya habang kausap ko si Aaron. "San ka na?"

"Nasa lobby na ako. Writer na ako ngayon diba? Hindi na trainee." Paglilinaw ni Aaron.

"Oo.. papunta na ko diyan." sabi ko bago ibaba ang tawag."Tara na?" yaya ko kay Jon. Nagpakawala muna siya ng buntong hininga baka naglakad pauna sa akin. Sinundan ko lang siya.

Pagkapasok sa loob ay di magkamayaw ang bumabati sa kaniya. Dito kami dumaan sa entrance ng parking kaya wala pa dito ang pwesto ng mga fans. Kung nandito siguro ay mas maingay at mas maraming makakita sa amin.

"JD.. goodmorning." sabi ng iilang nagtratrabaho dito. Tinanguan lang niya lahat ng iyon at nginitian ng tipid pagkatapos ay babalik sa pagkakunot ang noo. Napakasuplado talaga. Tss.

Nakarating kami si lobby at agad ko na din nakita si Aaron.

"Hoy!" Kumaway ako sakaniya para senyasan siyang lumapit dito. Tumakbo siya ng nakangiti at niyakap ako. Baliw talaga.

My Ex- Boyfriend is a Pop Star [FAN FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon