Threatened
Walang reaksyon at parehas nakatitig lang samin ang dalawa naming ina. Kakasabi lang namin sa kanila na may relasyon na kami dito sa hapag kainan habang naghahapunan. Ang totoo ay si Jon lang ang nagsalita. Hindi nga siya halatang kinakabahan! Kinumpirma ko lang sa pamamagitan ng pagtango ang sinabi niya . Napainom ako ng tubig at nagkunwaring naghihiwa ng karne sa plato ko. Mga ilang segundo ay nagulat ako ng sabay na tumawa si Mama at Tita Jen.
"Bakit po kayo tumatawa ?" tanong ko.
"Nakakatawa kase.." - Tita Jen
"Kinakabahan ka ba anak?" nakangising tanong sakin ni Mama
Tinaasan ko siya ng kilay " Hindi! Bat naman ... pero bakit nga kasi kayo tumawa ?" Hindi ba sila naniniwala, o sabihin nila ay niloloko lang namin sila.
"Hahahaha eh kase alam naman na namin" Alam na nila? Paano? Wala pa naman kaming sinasabi. Halata ba kami masyado? Tiningnan ko si Jon at binigyan ng makahulugang tingin . Nagkibit balikat lang siya at pinapagpatuloy ang pagkain.
Inikot ko ang mata ko sa ginawa niya. Muli kong tiningnan ang dalawa naming ina na natatawa, ako lang ba ang hindi mapalagay kanina pa. Tsk!
Pinagpatuloy namin ang kwentuhan at pagkain. Inasar asar pa nila ako dahil halata daw na kinakabahan ako. Pinayuhan din nila kami na mas patatagin ang relasyon dahil maraming dadating na pagsubok pero kung malaki ang tiwala at respeto sa isa't isa ay malalampasan naman daw iyon.
Clueless ako sa lahat ng sinasabi nila, hanggang sa dumating sa puntong tanong na sila ng tanong ng nakakahiya. Pinamulahan ako ng buong mukha ng itanong ni Tita Jen kung nag palitan na kami ng ( I-love you) !!
"Ay bat ko pa yun tinatanong! Normal naman na iyon hahahaha" Nanlaki ang mata ko. Gusto kong sabihin na hindi ko pa iyon nasasabi dahil hindi pa ako sigurado! Sumulyap ako kay Jon na parang walang narinig dahil normal lang na kumakain.
=_=
Pagtapos ng hapunan ay nagtulong nadin kami magayos. Umuwi na ang mag ina pagkatapos. Naligo ako bago pumasok sa kwarto namin ni Mama. Humiga ako sa tabi niya at yumakap. Nag goodnight-an kami bago siya tuluyang makatulog. Mag iisang oras na ay hindi pa rin ako dinadaluyan ng antok. Humiwalay ako sa pagyakap kay Mama ng maramdamang may nag text sa akin.
Jon:
Done studying, Goodnight! I love you :)
Pumikit ako ng mariin at hindi alam ang itataype na reply. Nagaaral pa talaga siya ! Nagcompose ako ng ilang message na irereply sana sakaniya pero sa huli ay hindi ko ginawa.Nakakahiya lang kung hindi ko sagutin ang I love you niya! Tumayo ako ng maalalang baka may assignment din kami. Pumunta ako sa sala dahil nandoon ang school bag ko. Binuksan ko ang ilaw at nagbukas ng mga notebook ko. Nagtext uli si Jon pagtapos ng ilang segundo.
Jon:
Gising ka pa? Bukas ang ilaw niyo.
Nagreply ako habang nagbubuklat ng notebook.
Ako:
uu.
Nasapo ko ang noo ko pagtapos ko maisend iyon. Hindi ko kasi namalayan na malalaman niyang gising pa ako pero hindi ako nagreply sa una niyang message.
Jon Calling...
O_O
Umubo muna ako ng dalawang beses bago sagutin ang tawag.
"Hello?" sabi ko.
"Anong ginagawa mo?" tss, required bang maging bedroom voice ang boses niya sa telepono?!
BINABASA MO ANG
My Ex- Boyfriend is a Pop Star [FAN FICTION]
FanfictionMy Ex- Boyfriend is a Pop Star "Stalker ka na pala ngayon?... Angel." 'Pop Star Artist and Paparazzi Journalist' Two ex-couple designated to meet again after two years. They've been separated many times in their life. Their beautiful history turns o...