Chapter 20

31 3 0
                                    

A/N : LITTER GLITTER ON GREY (THE MILLENNIUM SERIES #1) is on-going and will be posted soon. Check my profile! Thank you! Stay safe!











Huminga ako ng malalim. Hindi pa rin ako makapagsalita. Anong sasabihin ko sakaniya ? Hello? Hindi naman niya ata ako nakilala . Nakamask ako eh. Dibale na nga subukan ko nalang .

"What now?" Tinabingi niya kaunti ang ulo. Sinenyas ang telepono ko. "Hmm?"

"Akin na ang telepono ko.." Iniba ko kaunti ang boses ko. Bahala na kung mapansin niya ba o hindi. "Manong.." naiilang na dagdag ko.

Sarkastiko siyang tumawa. " Seriously? Manong? You think I'd buy that?!" Pasinghal na sabi niya. Galit na galit naman masyado! Kulang nalang murahin ako.

Ano bang kinagagalit niya? Wala naman akong ginagawang masama ah. Kung sakaling pang iistalk lang ang problema niya. Marami naman siyang stalker bat galit na galit siya ngayon. Sus bitter sa past siguro!

Yamot!

Sinubukan kong agawin sa kamay niya ang telepono ko. Ngunit sa tangkad niya ay isang angat lang niya non ay bigo ako. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. "Ano ba.."

"Tell me, why are you following me?" Umiling ako at umiwas ng tingin. " Hindi ko ito ibabalik sayo Sophia' hanggat hindi mo sinasagot ang tanong ko." Napalunok ako ng ilang beses.

"Hindi kita sinusundan. Nagkataon lang-"

"Three times!" He fake a laugh. "Three times na nagkataon ganon ba iyon?"

"Bat ka ba sigaw ng sigaw.." Luminga linga ako sa paligid. Mabuti at medyo madilim na at hindi naman karamihan ang tao dito."Trabaho okay? Akin na iyan.." Naagaw ko ang telepono dahil nagparaya naman nadin siya.

Napakaseryoso parin ng titig niya. Kala mo mangangain ng tao. Mas lalo yata itong nagmukhang seryoso kesa noon. Mas mainipin at mas mabilis magalit. Unting kiskis lang sisilab na agad!

Tatalikod na sana ako para umalis ngunit hinila niya ang braso ko. Inis ko siyang tiningnan.

"Did you take pictures of me?" Inikot ko ang mata ko. Masyado niya bang prinoproblema ang reputasyon niya? Sabotahe na nga ang plano namin . Si Aaron nalang ang pagasa ko.

"Wala.. wala pang matinong kuha" sagot ko.Totoo naman hindi magaganda mga shots ko sa kaniya. Galit niya akong hinila at kinaladkad papunta sa entrance ng bar.

"Ano ba! Tantanan mo nga ako!!" Hindi niya ako pinansin . Pinilit kong kalasin ang pagkakahawak niya pero masyado itong mahigpit.

Naglabas siya ng pitaka at may ipinakitang card sa dalawang bouncer sa labas ng bar. Ibineep lang ito sa isang machine at agad na kaming nakapasok.

"Ayokong pumasok dito! Uuwi na ako Jon!" Hinila niya parin ako. Hindi pa rin pinansin ang pagsigaw ko. Nakakainis naman ito. Masyadong paladesisyon!

Maraming ilaw sa loob at may mabagal na tugtog. Hindi ito ang inaasahan ko sa bar na ito. Ang alam ko ay maingay sa mga bar . Pero iba ata sa ganitong mamahalin. Hindi rin karamihan ang tao at per unit ang pwestuhan, kaniya kaniyang table. Sa gitna ay may malawak na dance floor. May mahahabang bar counter din sa gilid .

Dinala niya ako sa isang table kung san nandun ang mga kasama niya kanina. Umiinom sila at nagulat ng kasama ako ni Jon.

"Woohh! Chicks mo?" Sabi nung sobrang singkit ang mata. "Hi Im Hoshi!" Inilahad niya ang kamay. Siya pala yung Half japanese na kagrupo ni Jon.

Naiilang na mabilis kong tinanggap ang pakikipagkilala niya.

"Hello I'm Jeohan" sabi nung mukhang babae. Kumaway lang ito sa akin. Tumango naman ako ng mabilis.

My Ex- Boyfriend is a Pop Star [FAN FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon